DIY na pampaganda ng kutis, kuko at buhok sa Pinoy MD!
PINOY MD
SABADO, JANUARY 31, 2015
6:00 AM SA GMA
Sundan ang official Facebook at Twitter accounts ng #PinoyMD!
Kung problema niyo ang pagkakaroon ng dry hair, peklat o naninilaw na mga kuko, may mga solusyon kaming ituturo sa inyo. Gamit ang mga sangkap na madaling mabili sa mga palengke o kaya nasa mga tahanan na ninyo, puwedeng-puwede ninyong sundin ang aming mga do-it-yourself beauty solutions.
Nakatutulong sa pagpapababa ng cholesterol sa katawan, sa pagpapapaganda ng panunaw at sa pagpapapayat -- iyan ang mga benepisyo ng pagkain ng oatmeal. Pero dahil kulang sa lasa, marami sa atin ang hindi ito isinasama sa ating diyeta. Sa aming Luto Lusog segment ipakikita namin sa inyong 'di lang gatas at kaunting honey o kaya asukal ang puwedeng idagdag sa oatmeal. Marami pang puwedeng isahog dito para maging bagay sa tanghalian o kaya sa hapunan.
Sa tala ng World Health Organization, tinatayang 16-milyong tao ang namamatay taon-taon dahil sa tinatawag na “lifestyle diseases” o mga sakit na nakukuha dahil sa paraan ng pamumuhay. Kabilang na rito ang mga may diabetes na kapag napabayaan ang kanilang kundisyon, maaari itong humantong sa sakit sa puso, stroke, pagkaputol ng paa o kamay, at sa kalaunan, pagkamatay. Para ma-monitor ang kalagayan ng mga may diabetes, may mga bagong gamit at gamot na makatutulong. Kabilang dito ang glucose measuring temporary tattoo na puwedeng mag-monitor ng blood sugar level nang hindi na kailangang tusukin ang daliri ng pasyente. Mayroon ding “smart contact lens” na kayang sukatin ang antas ng dugo sa pamamagitan ng pagsusuri ng sugar level ng luha ng isang diabetic.
Mas gaganda ang gising niyo kasama ang Pinoy MD dahil dadalhin namin kayo para makalanghap ng sariwang hangin at masarap na kape sa Batangas. Alamin ang mga benepisyo sa kalusugan ng ipinagmamalaking barako coffee ng probinsiyang ito.
Pagdating sa pagkakaroon ng healthy lifestyle, sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias lang ang mga dapat pagkatiwalaan. Panoorin ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.