Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Taong Puno sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
Sabado, November 1, 2014
6 AM sa GMA 7

'TREE MAN'



Isang lalaking mayroong misteryosong sakit ang sisikaping tulungan ng mga doktor ng bayan. Ang kaniyang balat sa kamay at paa ay naging makapal at matigas na katulad na ng balat ng puno. Dahil sa pangangapal ng kaniyang mga kamay, hirap na siyang gamitin ang mga ito. Ang mas nakababahala ay tila kumakalat pa ang mga kalyo sa ibang bahagi ng kaniyang katawan. Ano kaya ang sakit na nagpapahirap sa kaniya? Dinala ng 'Pinoy MD' ang ating Kapuso sa isang espesyalista upang malaman ang sagot sa kaniyang nakababahalang sakit.

 
PATAY NA BUHOK, PATAY NA KUKO AT 'KILLER' BODY ODOR


Mga abot-kayang solusyon sa walang kabuhay-buhay na buhok, patay na kuko at nakamamatay na amoy, ihahatid ng mga eksperto sa kalusugan ngayong Sabado. Ano’ng klaseng langis ba ang puwedeng ipahid sa natustang buhok? Ang patay na kuko, dapat bang kutkutin para 'di tuluyang matuklap? Kung BO naman ang pag-uusapan, alamin kung kailangan pinaka-epektibong maglagay ng deodorant – sa gabi bago matulog o sa umaga pagkagising.
 
KILLER DISEASES SA PILIPINAS


Mga sakit na 'di nakahahawa pero nakamamatay – ito ang mga tinatawag na non-communicable o lifestyle diseases. Ang tatlong pinaka-delikado: sakit sa puso, sakit sa mga ugat gaya ng altapresyon at kanser. Ang mas maagang pagsugpo sa mga sakit na ito ang pinaka-epektibong paraan para sila’y mapigilan. Kaya kung kayo’y kinakapos sa hingina, palaging nahihilo, mayroong altapresyon o 'di kaya ay mayroong kakaibang bukol sa katawan, huwag palampasin ang istoryang ito.
 
NO-CRUNCH AB EXERCISES



Para mapaliit ang tiyan, tinitiis ng marami ang paulit-ulit na sit-ups at crunches. Ang problema ay kapag mali ang paraan ng pag-sit ups o crunches, maaaring sumakit ang inyong leeg o likod. Kaya sa Sabado, kasama ang kahiritan natin sa umaga na si Luane Dy, ipakikita niya ang abs exercises na puwedeng gawin habang nakatayo lamang. Bagamat sanay nang mag-ehersisyo, napasabak pa rin si Luane, “Mararamdaman mo na 'yung pain sa abs... So pag naramdaman na 'yun, ibig sabihin tama 'yung ginagawa natin.” Sabayan siya at ilang pang Kapuso mommies sa Sabado.
 
Tumutok sa mga doktor ng bayan na sina Dr. Jean Marquez, Dr. Rolando Balburias, Dr. Raul Quillamor at Dr. Dave Ampil II, kasama si Connie Sison sa Pinoy MD, Sabado, 6 AM.