ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Back pain at diet plans sa 'Pinoy MD'
PINOY MD
SABADO, October 4, 2014
6 AM SA GMA 7
Unahin ang kalusugan at panoorin ang Pinoy MD kasama sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Dr. Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez.
BACK PAIN


Sa pagbabanat ng buto sa pagtratrabaho o dahil sa ilang oras na pag-upo sa harap ng computer sa opisina o kaya naman dahil nasobrahan ng paglalaro ng paborito nating sport, 'di malayong sumakit ang ating likod! Binubuo ang bahaging ito ng muscles, mga buto, ugat at joints. Dahil marami itong parte, mas mahirap din matunton ang dahilan ng pagkirot dito. Marami nga ang nagrereklamo na lagi raw silang may “lamig” sa likod. Paano ba talaga maaibsan ang back pain? Totoo ba ang pagkakaroon ng “lamig”? Maraming solusyon para sa pananakit na ito, may mga gamot, mga itatapal, mga laser at pati exercise. Alamin ang iba pang impormasyon tungkol diyan.
DIET MEAL PLANS


Nauuso ngayon ang mga food delivery service para sa mga nagdi-diyeta. Ang bawat meal, bilang na bilang ang calories kaya madaling nako-kontrol ng mga kliyente nila ang kanilang kinakain. Ang sexy actress na si Ehra Madrigal, isa rin daw sa mga umo-order ng ganitong uri ng service. Pero 'di n'yo na kailangan pang gumastos ng malaki para gumawa ng sarili ninyong diet plan. Kasama ang isang chef, tuturuan tayo ni Ehra kung paano maghanda ng mga pagkaing swak sa diet, pati sa budget.
FAMILY PLANNING MYTHS


Sa darating na November 30, inaasahan ang implementasyon ng Reproductive Health Law. Ibig sabihin, para sa mga mag-asawang pipili ng artificial family planning methods, libre nang ipamimigay ang condoms at aprubadong birth control pills sa mga health center. Bukod diyan, tuturuan din ang mga health worker tungkol sa iba’t ibang paraan ng family planning. Mahalagang maging maalam tungkol sa family planning lalo pa’t marami pa rin sa ating mga kababayan ang may mga maling paniniwala tungkol dito. Ang iba sinasabing basta labhan, puwede raw muling isuot ang isang gamit nang condom. Mayroon namang naniniwalang kapag nasanay na uminom ng pills ang isang babae, mahihirapan siyang magbuntis kapag gusto na niyang magkaroon ng anak. Ang impormasyon tungkol sa family planning, lilinawin ng mga health expert.
EXERCISE TIPS PARA SA BRASO


Gaya ng maraming babae, isa sa mga gustong pagandahin ni Connie ang hubog ng kanyang mga braso. Para matulungan siyang gawin iyan, sasabayan siyang mag-workout ng Kapuso actor at pamangkin niyang si Martin del Rosario. Sa katatapos pa lang na fashion show ng isang underwear line, nagpasikat si Martin. At sa ipinakita niya katawan, kapansin-pansin ang kanyang toned arms. Kung taba sa braso ang problema, alamin ang tips ni Martin para riyan.
Abangan ang Pinoy MD, ngayong Sabado, 6:00 AM sa GMA.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular