Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'Mga Kirot at Sakit na Hindi Dapat Balewalain' sa Pinoy MD





MGA SAKIT SA KATAWAN NA DI DAPAT BALEWALAIN


Madalas bang sumakit ang iba’t ibang bahagi ng iyong katawan? Sa una’y tinitiis mo lang o kaya umaasa kang madadaan sa simpleng gamutan, simpleng mga gamot, hindi na madaan? Maging mapanuri sa inyong mga nararamdaman, mga Kapuso. Ang laging pagsakit ng ulo, ng tiyan, ng puson o kaya ng ngipin puwedeng maging senyales ng mga mas malalang kaso. Alamin ang iba pang impormasyon tungkol diyan mula sa Pinoy MD sa Sabado.



HEALTHY SI IDOL: SARAH LAHBATI

Kung titingnan ang seksing katawan ni Sarah Lahbati ngayon, gaya na lang noong rumampa siya sa isang underwear fashion show kamakailan, talaga namang mapapahanga ka rito. Ang lalo pang nakakabilib, noong isang taon lang, ipinagbuntis at ipinanganak niya si baby Zion. Habang buntis, lumobo raw ang timbang ni Sarah. Tumaba ang kanyang tiyan at mga hita. Pagkasilang kay Zion, 154 pounds daw ang naging bigat ng new mommy, pero dahil sa tiyaga sa pag-eehersisyo at diyeta, 138 pounds na lang daw siya ngayon.  Sa aming Healthy si Idol segment, ipakikita ni Sarah kung paano nga ba palalakasin ang stomach at thighs, mga problem area na dapat tutukan para gumanda ang hubog ng katawan.



UNANG YAKAP


Ayon sa Department of Health, 80 sa bawat 1,000 bata sa Pilipinas ang namamatay. Ang edad nila, nasa limang taong gulang o mas bata. Sa bilang nito, 22 ang mga sanggol. Karamihan sa mga baby na ito, namamatay pagkatapos lang ng dalawang araw ng pagkapanganak. Ilan sa mga tinuturong maaaring dahilan ng agad nilang pagpanaw… ang mga maling mga ginagawa sa newborn pagkaluwal sa kanila.
Halimbawa, ayon sa mga eksperto, ang kinagawiang agad na pagputol ng umbilical cord at ang paghuhugas sa sanggol ay puwedeng nakasasama sa baby. Para mapababa ang child mortality rate sa bansa, inilunsad ng DOH ang Unang Yakap program na sumusunod sa essential intrapartum newborn care. Panoorin kung ano ang mga hakbang sa EINC na puwedeng makapagligtas ng buhay ng napakaraming bata.



MGA PAMPAINIT NA SABAW

Sa patuloy na paglamig ng panahon dala ng pag-ulan, paiinitin namin ang inyong umaga sa mga ituturo naming soup recipes. Masarap higupin at maganda pa para sa kalusugan ang sabaw.

Ulit-ulitin ang inyong Saturday morning habit at panoorin ang Pinoy MD kasama sina Connie Sison, Dr. Raul “Dr.Q” Quillamor, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez at Doc Oyie Balburias. Mapanonood ito, 6 AM hanggang 7 AM sa GMA-7.
Tags: prstory