Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Epekto ng sobrang pag-inom ng tubig at pagkain ng ilang prutas, tampok sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
SABADO, SEPTEMBER 6, 2014
6 AM SA GMA 7
 
Muling magbabahagi ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan ng kaalamang makapagpapa-healthy sa inyo at sa inyong pamilya. Kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Oyie Balburias, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Dave Ampill II, abangan ang Pinoy MD sa Sabado.
 
SAKIT SA BATO
Ayon sa Department of Health, noong 2013 umabot sa mahigit dalawampu’t tatlong libong Pilipino ang sumasailaim sa tinatawag na hemodialysis.  Ika-pito ang kidney disease sa mga pangunahing pumapatay sa ating mga Pinoy. Kaya naman dapat maging maalam tayo tungkol sa ating mga bato at sa kung paano aalagaan ang mga ito. Sasamahan kami ng dating field reporter at ngayo’y news writer nasi Maria Bulaklak Ausente, na nilalabanan ngayon ang kanyang end-stage renal disease para magbahagi sa inyo ng impormayon tungkol sa kidney health.
 
MGA RECIPES NA MAY KAPE

Para sa marami sa atin, kapag sinabing inumin sa almusal, kailangan kape iyan!  Dahil may taglay itong caffeine, nakapagpapaalerto talaga ito ng diwa. Bukod sa caffeine, mayaman din ang kape sa chromium, isang kemikal na nakatutulong umano sa pagkontrol ng blood sugar.  Kaya ang pag-inom ng kape, lalo na kung hindi ito lalagyan ng asukal, maaaring makatulong sa mga may diabetes.  Pero bukod sa tinitimpla ito para inumin, ang kape – puwede rin pa lang panimpla sa iba’t-ibang mga lutuin. Ang mapait kasi nitong lasa mainam na pambalanse ng tamis at anghang.  Kapeng ihahalo sa isda, manok at pati sa pasta?  Posible iyan. Panoorin kung paano gawin ang mga coffee recipe sa aming Luto Lusog segment.
 
MGA EHERSISYO PARA SA BRASO
Bata pa lang daw si Kapuso actor JC Tiuseco, mahilig na talaga siya sa sports, lalu na ang basketball. Mula raw sa kanyang pagtre-training sa basketball, nakuha niya ang disiplina sa pag-aalaga at pagpapaganda ng katawan. Ngayong aktor at modelo na siya, magandang pundasyon daw ang pagwo-workout na sinimulan niyang gawin noon. Para kay JC, isa sa mga pinakamahalagang i-exercise, ang mga braso. Lagi raw kasi natin itong ginagamit sa paggalaw at para makapagtrabaho.  Sa aming Healthy si Idol segment, ituturo ni JC kung paano nga ba pagagandahin ang hubog ng ating mga braso at kung paano palalakasin pa ang mga ito.
 
SORBRANG PAG-INOM NG TUBIG AT PAGKAIN NG PRUTAS, NAKASASAMA?

Para maging healthy, kailangan uminom ng maraming tubig, kumain ng prutas at lagi dapat na may isda sa hapag. Pero alam n'yo ba na ang sobra o kaya naman kulang na pag-inom o pagkain sa mga ito, nakasasama rin? Kapag labis ang ininom na tubig puwedeng magkaroon ng water intoxication. Ang paglantak naman nang sobra sa ilang prutas, gaya ng saging, makasasama rin. Pati ang labis na pagkain ng isda, maaari nga bang makalason? Alamin yan sa Sabado.   
 
MEDICAL MISSION PARA SA SAKIT SA BALAT

Ngayong tag-ulan, malaki ang problema ng mga taga-Barangay Roxas sa Quezon City.  Dahil may katabing ilog at nagsisilbing catch basin ang kanilang lugar, marami sa kanila ang may athlete’s foot at iba pang sakit sa balat na dala ng baha.  Kaya naman to the rescue ang Pinoy MD.  May Project Kalusugan kami para sa mga mamamayan ng Barangay Roxas.  At ang aming tututukan, ang mga sakit sa balat.
 
Panoorin ang Pinoy MD kada Sabado, 6 to 7 AM sa GMA.