Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga nakakahiyang itanong sa doktor, pag-uusapan sa 'Pinoy MD'


PINOY MD
SABADO, AUGUST 30, 2014
6:00 AM SA GMA-7


NATURAL WAYS TO LOWER BLOOD SUGAR LEVELS


Tinatayang isa sa bawat limang Pilipino ang pinahihirapan ng sakit na ito.  Ayon sa Philippine Diabetes Association, walang pinipili ang pre-diabetes o ang diabetes.  Pati nga ang matapang at hinahangaang broadcaster na si Mike Enriquez, hindi tinantanan ng kanyang karamdaman.  Maraming mga gamot na puwedeng inumin para makontrol ang sakit na ito.  Pero para mas maging epektibo pa ang mga ito, makatutulong kung gagawin ang ilang mga paraan para mapababa ang blood sugar level sa katawan.  Isa sa mga sikreto ni Mike ang regular niyang page-ehersisyo.  May iba pa siya at ang mga eksperto naming ibabahaging mga tip, abangan ang mga ito sa Sabado.
 

NAKAKAHIYA MAN, DOC
 

Sa bawat punta natin sa doktor, mahalaga na magtanong tayo nang mabuti ng tungkol sa ating kalusugan.   Magaling man kasi ang manggagamot, mas maganda pa rin kung may malaman tayong dagdag na detalye pagdating ating health.  Pero may ilang mga tanong na talaga namang nakahihiyang sabihin!  Mga pagkirot, pangangamoy at pagkati na di natin basta-basta maisisiwalat.
 
 





JESTONI ALARCON
Mestizo at matipuno, naging madali raw para kay Jestoni Alarcon na mapasok sa show business.  Nagsimula noong dekada otsenta, sa pagpapakilig sa pamamagitan ng kanyang mga boy-next-door roles, nagpaseksi at naging action star noong 1990s at ngayo’y isang respetadong aktor.  Marami pa rin ang humahanga sa kanya, paano ba naman parang di raw siya tumatanda ayon sa kanyang fans!  Ang mga sikreto sa kanyang healthy body, alamin sa aming Healthy si Idol segment. 
 
 




 
HEALTHY PORK RECIPES
Kapag sinabing paboritong mga ulam na Pinoy, tiyak na may sahog na mga baboy.  Masarap mang lantakan, marami naman ang umiiwas sa pork, paano kasi nakapagpapataas ang sobrang pagkain nito ng cholesterol sa katwan. 
 
 




 
PROJECT KALUSUGAN: LIBRENG SALAMIN
 

At bilang serbisyo totoo sa mga Kapuso nating malalabo ang mata, may handog kaming Project Kalusugan kung saan susuriin ang kanilang eye health at mabibigyan pa sila ng libreng salamin.

Hindi kami magsasawang ibigay nang paulit-ulit ang impormasyong maaaring makapagligtas ng inyong buhay.  Pati mga payo na magbibigay ginhawa sa mga nakaiirita ninyong iniinda, lagi rin naming handog.  Mga Doktor ng Bayan ang inyong asahan pagdating diyan.  Mapapanood ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m., kasama siyempre sina Connie Sison, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor.
 

Tags: prstory, pinoymd