Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Masustansiyang 'samalamig' recipes sa 'Pinoy MD'
Ngayong umaabot na sa halos 34 degrees Celsius ang temperatura sa ilang bahagi ng Pilipinas at ramdam na ramdam na natin ang tindi ng init, dapat ugaliin na natin ang paglalagay ng sunblock at ang regular na pag-inom ng tubig. Para mapatid ang uhaw, puwede ring gumawa ng mga palamig! Sa Sabado, may mga ituturo kaming recipe para matulungan kayong gawin iyan. Cucumber, manga at marami pang iba ang mga ang mga masusustansiyang sangkap na gagamitin kaya abangan!
Bukod sa pag-inom ng maraming tubig at juice at pag-iingat sa balat, dapat ding mag-relax ngayong summer! May mga suggestion kaming lugar na puwede niyong puntahan. Paaalalahanan din namin kayo para malabanan ang mga karaniwang sakit na nakukuha kapag tag-araw.
Commercial model at child actor si Chuckie Dreyfus noong dekada otsenta. Mas nakilala pa siya ng marami nang maging ka-loveteam niya si Isabel Granada. Sa kasikatan ni Chuckie, katamtaman ang kanyang katawan. Pero noong nagpahinga raw siya nang sandali sa show business, nagsimula rin siyang tumaba. Umabot nga raw ang kanyang timbang sa 185 pounds, na para sa kanyang height ay talagang sobra-sobra. Pero dahil sa disiplina at tiyaga, maganda na ang hubog ng katawan ni Chuckie ngayon. Mas may enerhiya pa nga raw siya at mas may kumpiyansa sa sarili. Ibabahagi niya ang kanyang mga sikreto sa pagpapapayat at pagpapalakas ngayong Sabado.
Bilang pagbibigay-serbisyo publiko sa mga Kapuso nating may mga problema sa balat, nakipagtulungan ang Pinoy MD sa Dermatology Department ng East Avenue Medical Center para makapagsagawa ng isang Project Kalusugan. Alamin ang mga usong sakit sa balat ngayong tag-init at kung paano maaagapan ang mga ito.
Sa Pinoy MD, hindi kayo mabibigo sa impormasyong ibibigay namin. Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie ang mga nangunguna sa mga ekspertong sinangguni namin para makapagbahagi ng tips sa inyo. Sa ngalan ni Connie Sison, makakasama rin natin ang Kapuso nating si Lyn Ching-Pascual. Mapapanood ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.
More Videos
Most Popular