Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Karaniwang home remedies, aalamin ng 'Pinoy MD' kung totoong epektibo




Altapresyon, ubo, pigsa – ilan lang daw ang mga ito sa mga sakit na kayang gamutin ng ilang mga bagay na matatagpuan lang sa ating kusina. Ang mga sangkap daw kasi na tulad ng asin, bawang at virgin coconut oil, epektibo kontra sa mga sakit na ito ayon sa mga matatanda. Pero ano kaya ang masasabi ng siyensiya tungkol sa mga “home remedies” na ito. Epektibo nga ba sila?

Isang katakam-takam na umaga ang hatid sa inyo ng Pinoy MD sa halagang 199 pesos lang kada putahe. Mga recipe na may sangkap na puso ng saging, ituturo namin sa inyo. Mayaman sa fiber na makatutulong sa pagpapababa ng timbang, pagpapababa ng cholesterol at para mapadali ang pagdumi, ang mga benepisyong ito ang hatid ng puso ng saging sa murang halaga.



Marami sa mga dalaga, pursigidong magpapayat para mas magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at para raw magkaroon na ng lovelife!  Sa edad niyang sisenta’y otso, di na raw ganito ang iniisip ng batikang aktres at host na si Boots Anson-Roa.  Ang  healthy lifestyle, susi raw niya para mas magkaroon ng lakas na makapiling ang kanyang mga anak at apo, at para mas humaba pa ang kanyang buhay.  Ayon kay Boots, masuwerte rin daw siya dahil kahit biyuda na, ay muli siyang nagkaroon ng pagkakataong ma-in-love. May kasintahan ngayon si Boots at ikakasal na siya ulit sa darating na Hunyo.  Ang mga sikreto ng healthy at happy life ni Ms. Boots Anson-Roa makikita sa aming Healthy si Idol segment.

Sa Sabado, mga topic at taong magiging inspirasyon niyo para mamuhay nang malusog ang aming ipalalabas.  Panoorin ang Pinoy MD.  Unahin ang kalusugan kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias.  Abangan iyan, alas-sais ng umaga sa GMA.