Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga problemang pangkalusugan na nakahihiyang itanong sa doktor, pag-uusapan sa 'Pinoy MD'
Tinatayang isa sa bawat limang Pilipino ang pinahihirapan ng sakit na ito. Ayon sa Philippine Diabetes Association, walang pinipili ang pre-diabetes o kaya ang diabetes. Pati nga ang matapang at hinahangaang broadcaster na si Mike Enriquez, hindi tinantanan ng karamdamang ito. Maraming mga gamot na puwedeng inumin para makontrol ang sakit na ito. Pero para mas maging epektibo pa ang mga ito, makatutulong kung gagawin ang ilang mga natural na paraan para mapababa ang blood sugar level sa katawan. Isa sa mga sikreto ni Mike ang regular niyang page-ehersisyo. Abangan ang iba pang tips ng mga eksperto ngayong Sabado.
May ilang mga problemang pangkalusugan ba kayo na atubili kayong itanong sa doctor? Mga pagkirot, pangangamoy o pangangati sa ilang maseselang bahagi ng katawan? Bago kayo mapahamak dahil sa hiya, ang Pinoy MD na ang magtatanong ng mga ito sa mga eksperto.
Kapag pinag-usapan ang paboritong mga ulam ng Pinoy, tiyak na may sahog na baboy. Masarap mang lantakan, marami naman ang umiiwas dito dahil nakasasama raw sa katawan ang taba at cholesterol. Pero sa mga ituturo naming recipe, may mga parte o “cuts” ng baboy na hindi nakasasama sa kalusugan.
Mestizo at matipuno, naging madali raw para kay Jestoni Alarcon na mapasok sa show business. Noong dekada otsenta, pinakilig niya ang mga kababaihan dahil sa kanyang “boy-next-door” roles. Sexy at action star roles naman ang sinubukan niya noong ‘90s at ngayon naman, isa na siyang respetadong dramatic actor. Marami pa rin ang humahanga sa kanya dahil tila hindi raw siya tumatanda. Ang mga sikretong pangkalusugan ni Jestoni Alarcon sa aming Healthy si Idol segment.
At bilang serbisyo totoo sa mga Kapuso nating malalabo ang mata, may handog kaming Project Kalusugan kung saan magbibigay kami ng libreng eye-check up at salamin sa mga kababayan nating nangangailangan.
Mapapanood ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m., kasama siyempre sina Connie Sison, Doc Oyie Balburias, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez at Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor.

More Videos
Most Popular