Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga sakit na dala ng ipis, tampok sa 'Pinoy MD'


Pinadidirihan at kinatatakutan, lalo na kung lumilipad!  Peste sa maraming kabahayan ang mga ipis.  Pero bukod sa pinandidirihan ang kanilang itsura, lalo daw dapat pangilagan ang mga sakit na maaaring dala ng mga ipis. Kapag kinagat ka ng ipis o kaya nadapuan nito ang inyong pagkain, delikado!  Alamin ang mga maaaring maging masamang epekto nito sa Sabado.  

Tuloy pa rin ang pagtuturo namin sa inyo ng mga recipe na puno ng nutrisyon pero hindi lalagpas sa 199 pesos ang presyo. Sa  Masustansiya 199 matututunan kung paano magluto ng malinamnam ng bangus tocho at kung paano iluluto ang kasim.

Ayon sa Philippine College of Physicians, ang urinary tract infection o UTI ang isa sa lima sa pangunahing dahilan ng pagpapakonsulta ng mga Pilipino sa lahat ng health facility natin sa bansa.  Sa bilang na ito, pinakamarami ang mga babae.  Paano nga ba maiiwasan ang UTI o cystitis?  Dulot nga ba ito ng pagkain ng mga maaalat?  Ano ang mga maaaring komplikasyon ng kondisyong ito?

Dalawang taon na ang nakararaan simula nang maging ina si Yasmien Kurdi.  Gaya raw ng ibang mga babaeng nagbuntis, lumobo daw noon ang kanyang timbang mula 110 pounds hanggang 180 pounds. Matapos siyang manganak, nahirapan din daw ang aktres na magbawas ng timbang, lalo pa raw at dati na siyang tabain.  Gumagawa ng sarili niyang juice mula sa mga gulay at prutas si Yasmien, pero bukod diyang may iba pa raw siyang sikreto sa pagpapanatili ng kanyang fit body. Ito ang dapat niyong abangan!

Sa pagdidiyeta man o pagpapalusog ng katawan sa tuwing may karamdaman, kami ang Tahanan ng mga Doktor ng Bayan na magdadala sa inyo ng tamang impormasyon.  Sina Connie Sison, Doc 


Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias ang laging magbibigay ng serbisyo publikong sa Pinoy sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.