ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Health secrets ni Rodjun Cruz at bento recipes sa 'Pinoy MD'




Mahigit isa sa bawat apat na batang Pilipino ay malnourished o kulang sa timbang, ayon sa Food and Nutrition Research Institute o FNRI.  Isa raw sa maituturong dahilan nito ay ang mababang pagkonsumo nila ng gulay kung ikukumpara sa mga bata mula sa ibang bansa sa Asya.  Posibleng kulang sa budget ang kanilang mag magulang, o kulang sila sa oras para makapaghanda ng mas masustansiya. Pero ang iba naman, sinasabing sadyang mahirap daw pakainin ng masusustansiyang pagkain ang kanilang mga chikiting.  Sa Pinoy MD sa Sabado, ipakikita namin kung paano gumawa ng mga Japanese-inspired na pambaon na masarap, puno ng nutrisyon at ubod ng cute: ang bento!

Kapag sobra ang pagdurugo ng isang babae sa tuwing siya’y may menstruation; o kaya naman lagi siyang naiihi, delikado! Ayon kay Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, resident Pinoy MD OB-Gynecologist at presidente ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society o POGS, ang mga sintomas na ito ay maaaring tanda ng pagkakaroon ng myoma.  Kung isa ka sa mga dumaranas ng mga ito, manood sa Sabado.  Si Dr. Q ang magpapayo at magbibigay ng mga tamang solusyon.



Sa teleseryeng My Husband’s Lover, kinakiligan ng maraming fans ang karakter ni Rodjun Cruz na si Martin.  Bukod sa maamo niyang mukha, marami rin ang nahumaling sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Ang totoo, ilang taon daw na nagtiyaga si Rodjun sa halos araw-araw na pagwo-workout para magkaroon ng mala-pandesal na abs.  Para magtagumpay sa show business, dapat daw kasi di lang sa pag-arte dapat magsanay. Kailangan din magpaganda ng katawan.  Ang mga detalye ng workout regimen ni Rodjun, panoorin sa aming Healthy si Idol segment.



Ang sikreto raw sa masarap na ramen o Japanese noodle soup, ay nasa sabaw.  Sa Sabado, ituturo namin sa inyo kung paano nga ba gumawa ng ramen gamit ang mga sangkap na mura at puno ng sustansiya. Kahit mga pinagbalatan nga raw ng gulay na karaniwang itinatapon natin, puwedeng gamitin para makagawa ng vegetable stock.  Kalabasa, malunggay at mushroom and corn ramen -- iyan ang mga recipe na inyong matututunan na talaga namang makapagpapainit ng sikmura.
 
Kada Sabado, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga, iisa lang ang aming paalala: unahin ang kalusugan!  Panoorin ang Pinoy MD sa GMA.
Tags: plug, health