Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

First aid para sa nabaling buto at health secrets ni Gardo Versoza sa 'Pinoy MD'


Pinoy MD
Episode airing October 5, 2013
6:00 a.m. on GMA Network


May mahigit dalawang daang buto tayo sa katawan.  Kapag nabali ang kahit alin sa mga ito, karaniwang delikado.  Si Rey, miyembro ng Adamson University Pep Squad, nagkamali ng bagsak nang minsang mag-perform ng isang stunt.  Ang resulta, nabali ang kanyang kaliwang braso.  Ang sisenta anyos naman na si Julieta, nabali ang buto sa balakang matapos madulas sa hagdan.  Ano ang mga solusyon sa mga traumatic injury na ito?  Ang mga iyan ang tatalakayin namin sa Sabado.

Ayon sa mga doktor, natural na rumurupok ang mga buto kapag tayo’y nagkaka edad na– dahilan kung bakit mas madaling mabalian ang matatanda.  Isa sa mga paraan para mapalakas ang ating mga buto ay ang mag-ehersisyo at magbuhat ng weights.  Di lang para sa mga body builder ang weight training.  Nakapagpapalakas ito ng puso, nakapagpapaganda ng postura at nakabubuti sa ating bone health.  Kahit pa 40 plus ka na, di dapat matakot sa pagbubuhat ng weights. Kaya naman may mga tip kami sa inyo, para masimulan niyo na ang inyong weight training.

Para naman sa aming Luto Lusog segment, tatakamin namin kayo sa mga kalabasa recipes. Chunky pumpkin cream soup, pumpkin pasta at pumpkin tuna spring roll--  mga lutuing nagpapatunay na di na lang pang-ginataan ang kalabasa!

* * *


Halos dalawampung taon na ang nakalilipas simula nang makita natin ang magandang hubog ng kanyang katawan sa pelikulang Machete II, pero habang tumatagal tila lalong kumikisig si Gardo Versoza.  Ayon kay Gardo, talaga raw na inaalagaan niya ang katawan dahil dapat lang daw na maayos ang tindig at hitsura ng isang aktor.  Mahalaga rin daw dahil kailangan ito para maging kapani-paniwala ang pagganap niya sa mga role.  Ngayon, mapa-bida o kontra-bida man, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Kaya naman sa Sabado, 5 ng Oktubre, siya ang tampok sa Healthy si Idol.

Panoorin ang Pinoy MD kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias para sa isang oras ng makabuluhang usapang pangkalusugan;  alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.