Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga epekto ng pag-inom ng gin, tatalakayin sa 'Pinoy MD'




Sa pinakabagong pag-aaral ng International Wine and Spirit Research, numero uno ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga umiinom ng gin.  Tayo rin ang may pinakamaraming nainom na gin sa buong mundo noong 2012, ayon sa pag-aaral. Daig pa raw natin ang Slovakians at Dutch ng Europa.  Ano ang epekto sa katawan ng sobrang paglaklak ng gin? May ilang pag-aaral na nagsasabing ang pag-inom ng alak, nakapagpapababa raw ng lebel ng kolesterol. Ang ibang pag-aaral naman, sinasabing nakasisira ito ng atay. Alamin ang totoo sa Sabado.
 
Nitong nakaraang linggo, nag-post ang isang kilalang female celebrity sa photo-sharing site na Instagram ng mga litrato tungkol sa karahasan laban sa mga kababaihan. Kasama pa rito ang tila kalmot sa kanyang braso. Naging usap-usapan tuloy kung nagpapahiwatig nga kaya siya na siya mismo ay biktima rin. Ayon sa World Health Organization, Asya ang may pinakamaraming kaso ng pang-aabuso sa buong mundo.  Bukod sa pisikal na pananakit, mahalagang pagtuunan din ng pansin ang pang-aabusong emosyonal at sikolohikal. Sa Sabado, pag-uusapan ng mga eksperto ang totoo sa likod ng tinatawag na battered wife syndrome.
 
Gabi-gabing inaabangan ng mga manonood ang teledramang My Husband’s Lover.  Talaga naman daw pinagpapaguran ng mga bidang sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo  ang bawat eksena. Pero paano kaya nila napapanatili ang kanilang lakas sa gitna ng puyatan at mahahabang schedule ng bawat taping? Ano ang ginagawa nila para maka-iwas sa pagkakasakit? Ang mga sikreto nila, sisilipin ng Pinoy MD.



Ngayong nagsimula na ang tag-ulan, masarap humigop ng mainit na sabaw!  Pero di lang init sa katawan ang hatid ng sabaw dahil puwede rin daw itong makapagpalakas ng resistensiya at makatulong sa pagbabawas ng timbang. Nakatutulong din ito para makahinga ng mas maluwag ang mga may sipon. Mga mura at masustansiyang soup recipe, ituturo sa Luto Lusog sa Sabado.
 
Samahan sina Connie Sison, Doc Dave Ampil II, Dra. Jean Marquez, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Panoorin ang Pinoy MD sa Sabado, 6 to 7 a.m. sa GMA.
Tags: plug