Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Healthy ihaw-ihaw recipes sa 'Pinoy MD'
Mapapasarap ang inyong family outing kung mag-iihaw ng pagkain. Grilled chicken with mango, eggplant at tofu… iyan ang ituturo namin sa aming Luto Lusog segment.
Ngayong sagad ang init ng panahon, lalo na kapag tanghali, marami sa atin ang nagrereklamo! Masakit sa balat at nakapanghihina kasi ang init. Kapag di nag-ingat, puwedeng ma-heat stroke ang isang tao. Pero bukod sa heat stroke, may mas malala pa raw na puwedeng mangyari. Ang sobrang init maaaring maging dahilan ng pag-atake ng cardiovascular stroke. Ano nga ba ang kaibahan nito sa simpleng heat stroke? Sino-sino ang mas delikadong magkaroon ng ganitong sakit?
Dahil lagi tayong pinapawisan ngayon, di maiiwasang mamaho ang ating mga paa. Ayon kay dermatologist Dra. Jean Marquez, mas maaaring makaranas niyan ang mga laging nakasapatos. Hindi kasi sumisingaw ang pawis kaya mas kinakapitan ng bakterya an gating paa. Mga simpleng solusyon para maiwasan ang umaalingasaw na paa, ibabahagi ni Dra. Jean ngayong Sabado.
Di lang blood sugar level ang naapektuhan ng diabetes. Ang mga obese naman o sobrang taba, di lang altapresyon ang dapat na problemahin. Ayon sa mga eksperto, ang mga may ganitong mga kondisyon mas maaari ring magkaroon ng sakit sa atay. At ang nakalulungkot, ayon sa Department of Health, 1 sa bawat limang Pilipino na magkakaroon ng mga liver disease masisira nang tuluyan ang atay. Pero ang magandang balita, may mga solusyon sa mga sakit na ito. Ang pinaka-epektibong paraan- ang pagpapa-liver transplant. Nitong buwan, matagumpay na nabigyan ng bagong buhay ang limang taong gulang na si Marilda Guzman. Malalaman niyo rin kung paano niyo dapat alagaan ang inyong atay para di na magkaroon ng matinding karamdaman sa atay.
Sa mga magbabakasyon naman ngayong Mayo, huwag basta-basta makiuso at magpalagay ng henna tattoo o kaya magpa-tirintas ng buhok o yung tinatawag na “corn rows.” Puwede kasing magkaroon ng allergy nang dahil sa mga ito, lalu’t kung di mag-iingat.
Kasama sina Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Oyie Balburias at Connie Sison pasasayahin at palulusugin namin kayo ngayong Sabado. Manood ng Pinoy MD, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA.
Tags: plug
More Videos
Most Popular