Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Operation: Tuli sa 'Pinoy MD'


Sa Pilipinas, kadalasang sinasamantala ng mga magulang ang dalawang buwang bakasyon mula sa eskwela para ipatuli ang kanilang mga nagbibinatang anak. Ayon sa mga doktor, mahalaga na sa ospital o clinic ipaggawa ang operasyong ito para maiwasan ang anumang impeksyon. Sa Sabado, ipakikita namin kung paano magbigay ng Serbisyong Totoo ang ilang mga doktor sa isang medical mission para magbigay ng libreng tuli operation.
 
Kapag tumataas ang temperatura, mas dumadami rin ang bacteria sa balat. Ang isa sa mga posibleng resulta, ang pagkakaroon ng pigsa! Ang gamot sa pigsa at mga paraan para di niyo ito makuha, alamin sa tulong ng ating resident dermatologist, Dra. Jean Marquez.
 
Habang nakabakasyon ang mga bata, panahon na para makapag-bonding ang pamilya. Gaano man kalaki ang inyong budget, mayroong iba’t ibang healthy activities na puwedeng i-enjoy ang lahat – mula swimming, kayaking o kahit paglalaro lang ng Frisbee. Ipakikita ng Pinoy MD ang ilang mga lugar kung saan puwedeng masulit ang isang maghapon para sa pamilya.
 
Maalat o sobrang tamis, at ang nakululungkot, mababa sa sustansiya -- ganyan ang karaniwang mga meryenda ng mga bata ngayon. Sa Sabado, ituturo namin sa inyo kung paano gagawing mas masustansiya at mas masarap ang mga paborito ng inyong mga anak. Tikman ang breaded isaw with malunggay, mango glazed donut at iba pa sa aming Luto Lusog segment.
 
Laging tandaan mga Kapuso, unahin ang kalusugan.  Para tulungan kayong maggawa iyan, samahan sina Dr. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias at Connie Sison sa Sabado, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA.

Tags: plug