Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Malusog na summer weekend hatid ng 'Pinoy MD'


PINOY MD Airing date: May 19, 2012
 
Panahon na namang ng kaliwa't kanang mga piyesta! Ano nga ba ang magandang ihain kapag piyesta? Mga paraan kung paano mas mapapalusog ang mga fiesta favorites na kaldereta, kare-kare at leche flan, abangan ngayong Sabado kasama si Connie Sison sa tahanan ng mga doktor ng bayan-ang Pinoy MD ng GMA-7! 
 
Isang kembot lang ng mga majorette, feel na feel na ng bayan ang fiesta!  Sa sigla at sa ganda ba naman ng hubog ng kanilang mga katawan, talagang mapapahanga kahit sino.  Para makamit ang mala-majorette na body, kumuha ng exercise tips mula mismo sa mga star ng mga parada.
 
Para naman sa mga buntis, alamin ang kondisyong kung tawagin ay dental fluorosis! Ayon sa mga eksperto, kapag sobra ang fluoride sa iniinom na tubig ng isang buntis, mas maaaring magka-dental fluorosis ang isang tao.  Alamin ang iba pang mga dahilan at ang mga dalang komplikasyon ng sakit na ito. 
 
Isang healthy summer weekend ang handog ng Pinoy MD ngayong Sabado ng umaga, 6am sa GMA-7. 
Tags: plug