Lechon overload sa 'Pinas Sarap'!
#PSOhMyLechon
May bagong araw at timeslot ang Pinas Sarap!
Simula sa Sabado, July 17, 12:30 to 1:00PM na mapapanood ang paborito nating programa na mabubusog hindi lang ang tiyan, pati na rin ang isipan.
Sa unang food trip natin, matatakam tayo sa putaheng bida sa lahat ng mga espesyal na okasyon at selebrasyon, ang Lechon!
Sa malinamnam nitong laman at malutong na balat, siguradong hindi mapipigilang maparami ang kain. Samahan natin si Kara David na tikman ang iba’t ibang klase ng lechon.
Nag-trending sa social media ang Cochinillo na kilala rin sa tawag na Lechon De Leche. Nagmula raw ito sa bansang Espanya kung saan dalawa hanggang anim na linggo lang ang tanda ng biik na nililitson sa pugon o oven.
Ini-level up naman ng isang kainan ang kanilang Lechon Baboy. May palaman kasi itong seafoods sa tiyan gaya ng alimango, hipon at tahong.
Wala rin sayang sa lechon, dahil ang mga natirang lechon pwedeng gawing Lechon Sinigang! Iyan ang ipatitikim ni Kara sa atin.
Ang celebrity chef naman na si Jose Sarasola, tuturuan tayong gumawa ng Lechon Sisig.
Lechon overload tayo sa pinamakasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, sa bago nitong timeslot ngayong Sabado, 12:30PM sa GTV.
ENGLISH
Pinas Sarap will have a new timeslot starting on Saturday, July 17, 12:30 to 1:00 PM. And what a better way to start the new timeslot, but with a classic Pinoy food that we consider the star on every special occasion--- the Lechon.
Join Kara David as she ventures out to taste the different kinds of lechon. From the small-sized Cochinillo or Lechon De Leche to the unique, like the Lechon Baboy Stuffed with Seafood.
Savor the delicious Lechon Baka In-A-Box and discover how the Pinoy culture of "tingi" helped to get the foodies' attention. Kara will also teach us how to make Lechon Sinigang while celebrity chef Jose Sarasola will share his Lechon Sisig recipe. Exciting new recipes that will make sure no food will be wasted.