Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pinoy salads, tampok sa 'Pinas Sarap'!


#PSPinoySalad

Ngayong Martes, pagkaing makakatulong para maging fit and healthy ang katawan--- mga Ensaladang Pinoy ang ating pagsasaluhan!  Babalikan din natin ang kuwento sa likod ng pagkaing ito na nagmula pa raw sa ating mga ninuno.

Pumunta si Kara David sa isang Fern Farm sa Pampanga para mamitas ng sariwang pako.Natutunan din niya ang paggawa ng masarap na Pako Salad na perfect ipares sa pritong isda o baboy.

 

 

Paborito rin ng maraming Pinoy ang Lato o Sea Grapes na isang uri ng seaweeds. Bagay daw ito na side dish sa inihaw na seafoods. Syempre, ang classic na Ensaladang Talong at Mangga na masarap ipares sa inihaw na baboy o isda.

 

 

Ang Pinoy salad, may version din na masarap gawing panghimagas. Kahit anong okasyon, tiyak may laging nakajain na Fruit Salad!

Makakasama rin natin ang bagong Kapuso na si Pokwang para ituro ang kanyang Buko Pandan Salad recipe.

 

 

Healthy eating tayo sa pinamakasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Martes, 6:00PM sa GTV.