Batangas soup, bibida sa 'Pinas Sarap'!
#PSBATANGASSOUP
Tag-ulan na naman at tuwing malamig ang panahon, hindi ba’t masarap humigop ng mainit na sabaw? Eh saan pa nga ba ‘da best’ mag foodtrip tuwing malamig? Ala eh, tara na’t humigop ng mainit na sabaw… sa Batangas!
Isa sa paboritong natin ang sabaw ng Bulalo. Gawa ito sa mabutong parte ng paa ng baka, o beef shank. Kwento ng magsasakang si Tatay Ben, simple lang ang sangkap ng bulalo pero ang sikreto ng masarap na bulalo ay ang paraan ng pagluluto nito. Ilang oras kasi itong pakukuluan para lumambot ang karne at lumabas ang katas nito na nagbibigay linamnam sa sabaw.
Para naman sa mas adventurous, tikman ang Gotong Batangas. Pero ‘di tulad ng gotong nakasanayan ng karamihan, wala itong halong kanin o malagkit na bigas. Gawa ito sa lamang loob ng baka.
At kung gusto n’yo pa lalong mag-init ang pakiramdam, humigop daw kayo ng Soup Number 5. Ang pangunahin nitong sangkap… ari ng baka! Ang mga taga-rito, naniniwala na ang soup number 5 ay isang aphrodisiac.
Iyan ang mga aabangan sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Martes 6:00PM sa GTV!
English Version:
A hot bowl of soup is best enjoyed during rainy days. And some of the most delicious soups in the Philippines can be found in the province of Batangas. This Tuesday in Pinas Sarap, Kara David will visit Batangas to taste three signature soups of the province. The Bulalo is a soup made from beef shanks, boiled for many hours until tender. The Goto soup on the other hand is made from cow innards, while Soup #5 is made from the cow’s reproductive organs which the locals believe to be aphrodisiac.