Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ano ang iba't ibang klase ng fried chicken?


#PSFRIEDCHICKEN

Isa ang fried chicken sa all-time favorite food ng mga Pinoy. Pwedeng ulamin o kaya naman ay papakin. Sino ba naman kasi ang hindi gaganahan sa crispy nitong balat at juicy na laman? Ngayong Martes, samahan si Kara David alamin ang kwento sa likod ng putaheng ito, at tikman na rin ang iba’t ibang version ng pritong manok na naimbento hindi lang sa Pilipinas, maging sa ibang bansa.

 

 

Ituturo rin ni Kara kung paano magluto ng Pinoy Style Fried Chicken, o pritong manok na nilalagyan lang ng patis pampalasa at walang breading.

Sa sobrang pagkahilig natin sa pritong manok, nagsulputan ang mga fried chicken stall sa mga kalye na mabibili sa abot-kayang halaga, depende sa parte. Ang tawag dito, Kanto Fried Chicken.
Pero alam n’yo ba na noong panahon ng mga Espanyol, hindi lahat ay kayang kumain ng fried chicken, sinasabing mga prayle at mga pamilyang mayayaman lang ang may ganitong pribelehiyo.

 


Ipatitikim din ng isang kainan ang kanilang Chinese Style Fried Chicken na pinasarap ng herbs and spices na madalas ginagamit sa Chinese cuisine gaya ng star anise.

 

 

Makakasama rin natin ang chef at kilalang online food content creator na si Ninong Ry. Siguradong magugustuhan niyo ang ituturo niyang recipe, ang Salted Egg Fried Chicken Thighs.

 

 

Fried Chicken overload tayo sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, sa bago nitong oras, ngayong Martes 6:00 PM sa GTV.

 

ENGLISH VERSION

Fried chicken is one of the all-time favorite food of Filipinos. It is usually served as viands or snacks. Who can resist taking a bite, with its crispy skin and juicy meat? This Tuesday, join Kara David as she explores the familiar flavors and stories behind this unique dish. She will also show us the different ways of cooking fried chicken, not only in our country but also around the world.

There is the Filipino-style fried chicken which only uses fish sauce and doesn't require a breading mix.

Because of our extreme love for this food, stalls offering affordable and accessible fried chicken have sprouted across the metro. Popularly known as, Kanto Fried Chicken.

However, this was not the case during the Spanish colonial period when friars and wealthy families are the only ones privileged to eat fried chicken.

Another popular chicken recipe is the Chinese-style fried chicken which is made tastier with special Chinese herbs and spices like star anise.

Online food creator, Ninong Rye will show us his unique fried chicken recipe, the Salted Egg Fried Chicken Thighs.

Fried chicken overload this Tuesday, on Pinas Sarap, with a new timeslot, 6:00 PM on GTV.