Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Pinas Sarap,' may seafood adventure sa Bohol!


#PSBOHOLSEAFOODS

Tinawag na "God's Little Paradise" ang probinsiya ng Bohol dahil sa natatanging ganda ng isla. Ang katubigang nakapalibot dito, hindi lang makapigil-hininga, mayaman din sa nagsasarapang laman-dagat!

Ang mga sariwang seafood na nahuhuli rito, iniluluto at inihahain agad sa mga turistang gustong mag food trip.

 

 

Sikat na tourist destination ang Virgin Island Sandbar sa isla ng Panglao. Pero patok na patok din sa panlasa ng mga bisita ang fried rice na sinahugan ng abalone at sea urchin.

 

 

Maging sa bakawan at ilog, may nakukuhang biyayang galing kalikasan. Ang Takla o snapping shrimp ay bagay na bagay daw sa mainit na sabaw ng sinigang. Ang mga suso sa ilog na kung tawagin na Betsukol ay paboritong i-adobo na may kasamang gata.

 

 

Masusubok din ang cooking skills ni Kara sa pagluluto ng Seafood Nilarang. Pumasa kaya?

 

 

Tutok na ngayong Martes sa programang hindi lang masarap sa panlasa, bubusugin din ang inyong mga isipan sa kaalaman, ang Pinas Sarap, 5:45 PM sa GTV!