From kape to summer drinks!
Isa sa mga paboritong inumin ng mga Pinoy ang kape. Ito kasi ang madalas nating pampainit ng sikmura sa umaga at kapartner sa malamig na panahon.
Pero kahit summer, wala raw makakapigil sa pagkahilig natin sa kape. Sa katunayan, nagtrending ang #KapeTayo kung saan ang nakasanayan nating mainit na kape… ginawang pampalamig at panghimagas!
Ang Dalgona Coffee craze na umuso noong nakaraang taon, ni-level up at pinasarap para maging Dalgona 2.0.
Mas palamigin pa natin ang summer sa Coffee Bingsu at Capuccino popsicles!
Ang classic Pinoy dessert na leche flan, binigyan din ng coffee twist.
Ituturo naman sa atin nina Kara at Kapuso leading man na si Kelvin Miranda, ang kanilang paboritong coffee desserts na bukod sa masarap, easy-to-cook pa!