Pancit canton, ginawang burger bun?
#INSTANTPANCITCANTON
Nag-trending kamakailan ang #InstantNoodles sa social media kung saan binibigyan ng bagong hitsura at lasa ang simpleng instant noodles. Ilan sa recipe na pumatok sa netizen ay gamit ang instant pancit canton.
Ngayong Martes, samahan si Kara David para alamin at tikman ang mga instant pancit canton recipe with a twist!
Ipatitikim ni Kara ang kanyang version ng Instant Pancit Canton Pesto!
Sa mga cheese lover, subukan n'yo ang katakam-takam na Pancit Canton Cheese Balls!
Ang instant pancit canton, pwede rin daw gawing burger? Ituturo namin sa inyo kung paano gumawa ng Instant Pancit Canton Burger.
Ang paboritong pantawid-gutom ng mga Pinoy na Instant Pancit Canton, binigyan naman ng international flavor ng ilan sa ating mga kababayan, katulad ng Instant Pancit Canton Samosas na inspired sa sikat na Indian cuisine.
Instant pancit canton na may Korean twist, 'yan ang Instant Pancit Canton Square Kimbap.
Nagki-crave sa kakaibang pizza? Tikman ang aming version ng Instant Pancit Canton Pizza!
Baked sushi pero instant pancit canton ang bidang sangkap? ‘Yan ang kasing sarap pero hindi kasing mahal na Pancit Canton Bake.
Instant pancit canton overload tayo ngayong Martes sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap! Mapapanood sa ganap na 5:45PM sa GTV.
English
#InstantNoodles trended recently in social media showing how a simple instant noodle can be transformed to have a new look and taste. Most recipes featured instant pancit canton which netizens seem to enjoy the most.
Kara David will treat us to her version of Instant Pancit Canton Pesto. For the cheese lovers, there is Instant Pancit Canton Cheese Ball for you to enjoy! Ever heard of Instant Pancit Canton Burger?
This Pinoy favorite is given a new flavor inspired by international cuisines. Take a tour around the culinary world with Instant Pancit Canton Samosas, Instant Pancit Canton Square Kimbap and Instant Pancit Canton Pizza.
Instant pancit canton overload this Tuesday, 5:45 PM on the most delicious food show on TV, Pinas Sarap on GTV.