Bagong mukha ng almusal, ihahain sa 'Pinas Sarap'!
#PSLevelUpAlmusal
Airing: April 27, 2021
Tuwing agahan lalo tayong ginaganahan kumain kapag masarap ang ulam. Ngayong Martes sa Pinas Sarap, samahan si Kara David na dalhin sa next level ang mga paborito nating breakfast recipe.
Karaniwang ulam sa agahan ang hotdog at itlog na maalat. Madali kasi itong ihain. Pero kaya pa itong mas pasarapin. Nakatikim na ba kayo ng Salted Egg Fried Rice at Breaded Hotdog in Cantonese Gravy?
Bukod sa masarap ipares ang beef tapa sa sinangag at itlog, alam n’yo bang pwede rin ito gawing Tapsilog Sarmale at Beef Tapa Shawarma Rice?
Kadalasan ipiniprito lang natin ang tuyo at daing. Pero ituturo sa atin ng mga malikhaing Chef ang masarap nilang recipe dito, ang Escabecheng Tuyo at Sinigang na Daing na Bangus.
Tutok na sa sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Martes, 5:45PM sa GTV!