Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Pinas Sarap' goes to Batanes!


#PSBatanes

Airing: April 20, 2021

Ngayong tag-init, sagot na namin ang summer roadtrip.

Dadayo tayo sa lugar na tila paraiso sa ganda ng mga tanawin at sagana rin sa mga nagsasarapang pagkain. Tara na sa mga isla ng Batanes!

 

 

Sa lawak ng kanilang karagatan hindi na nakapagtatakang seafood ang pangunahing pagkain ng mga Ivatan.

Siguradong gaganahan kayong kumain kapag natikman niyo ang linamnam ng kanilang payi o rock lobster.

 

 

Kung mahilig naman kayo sa shellfish, ang abong na karaniwang sinasabawan naman ang pambato ng mga Ivatan.

 

 

Mayaman din ang kanilang dagat sa naglalakihang mga isda gaya ng Arayu o Dorado.

Ilan sa ipinagmamalaki nilang luto dito ang adobong dorado sa gata, cocidong dorado at buttered grilled dorado.

 

 

Isa pang isda na madalas nilang iluto, ang flying fish o dibang. Ang paborito nilang putahe dito, ang ‘lataven’ o kinilaw na dibang at lumpiang dibang.

 

 

Maniniwala ba kayo na ang lumot pwedeng gawing salad o kaya naman ay soup? Isa iyan sa delicacy sa Batanes

 

 

Tutok na sa foodtrip natin sa mga isla ng Batanes sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap  ngayong Martes, 5:45PM sa GTV!