Mga tirang pagkain, may makeover!
#PSLeftoverMakeover
Airing: April 13, 2021
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging masinop at malikhain, lalo na sa pagkain.
Kaya naman ngayong Martes sa Pinas Sarap, samahan si Kara David na alamin kung paano pa lalong mapasasarap ang mga tirang ulam.
Ituturo ni Kara kung paano gawing Grilled Cheese Adobo Sandwich ang natirang chicken Adobo.
Ang natirang Laing, gagawin nating muling katakam-takam para naman hindi masayang. Nakatikim na ba kayo ng Laing Ravioli?
Maniniwala ba kayo na ang natirang Sinigang, puwedeng gawing Tortilla Wrap?
Para naman sa panghimagas, ile-level up natin ang natirang Maja Blanca at gagawing Maja Blanca Berry Sponge Cake!
Tumutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Martes, 5:45PM sa GTV!
English
This Tuesday on Pinas Sarap, we will teach you how to turn your leftover food into a new delicious dish.
Favorite Filipino viands like Menudo, Adobo, Sinigang, and Laing will be transformed to brand new favorites like Menudo Pie, Grilled Cheese Sandwich, Tortilla Wrap, and Ravioli.