Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Regional dishes, ihahain sa 'Pinas Sarap'!


Regional Dishes

Airing: February 23, 2021

Halos isang taon na ang COVID-19 pandemic kaya naman matagal na rin tayong hindi nakapapasyal sa ibang lugar sa bansa. Kung nami-miss n’yo na ang mga paborito ninyong pagkain sa mga probinsiya, samahan si Kara David alamin kung saan sa Metro Manila matitikman ang ilan sa mga masasarap na putahe mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

Hindi na raw kailangan pang bumiyahe papuntang Batangas para matikman ang malinamnam na sabaw na Gotong Batangas. Makakasama ni Kara ang isang Batanguenong chef para alamin kung paano iluto ang putaheng ito.

 

 

Ituturo naman ni Kara ang version niya ng masarap na Kapampangan dish na Lagat Labanos.

 

 

Ang ipinagmamalaki namang putahe ng Visayas na Cebu Lechon at Pork Humba, inihahain na rin sa ilang kainan sa Kamaynilaan.

 

Pambatong putahe naman ng Zamboanga City ang Satti, habang ang panghimagas na Dodol ng mga Maranao, galing sa Surigao del Sur. Pero malalasap na rin ang sarap ng mga ito sa Metro Manila

 

 

Tumutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Martes, 5:45PM sa GTV!

 

English

Because of the COVID-19 pandemic, it is very difficult to visit tourist destinations in other provinces. To satiate your cravings for your favorite dishes from Luzon, Visayas and Mindanao, Kara David will check out different restaurants in Metro Manila that serve authentic regional cuisines.