Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Saba, bibida sa kusina!


SAGING NA SABA DISHES

January 26, 2021, 5:45pm sa GMA News TV

Saging ang isa sa mga prutas na madalas nating gawing panghimagas. Pero may isang klase ng  saging na puwedeng gawing meryenda at sahog sa mga ulam --- ang saging na saba.

 

 

Ngayong Martes sa Pinas Sarap,  samahan si Kara David bumisita sa isang banana farm sa Cavite para alamin ang mga putaheng kayang pasarapin gamit ang saging na Saba.

 

Ang tamis ng saging na saba nakadadagdag sa sarap ng mga ulam na may sarsa,  gaya ng Pork Pochero at Chicken Estofado. 

 

 

Perfect din na sangkap ang saba sa mga sabaw tulad ng Nilat-an.

Alam niyo bang pati ang balat ng saging na saba puwede ring iluto? Kung mahilig kayo sa Sisig, tikman na ang healthier version nito na gawa sa balat ng saging na saba!

 

 

Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Martes 5:45PM sa GMA News TV.

English

Bananas are usually eaten after meals, and are also use in making desserts. But there is one type of banana that can be use in making savory dishes. It’s called Saba.  Join Kara David as she explores the banana farm in Cavite and learns how to coook dishes made from Saba.