Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kabute, bibida ngayong Martes sa 'Pinas Sarap'!


MGA PUTAHENG GAWA SA KABUTE SA MAS PINAAGANG PINAS SARAP, MARTES 5:45 PM SA GMA NEWS TV!

Airing: January 19, 2021

Noong bata pa kayo, napagsabihan na rin ba kayo ng inyong lola at lolo na ‘wag galawin ang mga kabute? Sa kabute raw kasi nakatira ang mga duwende.

Hindi natin alam kung may katotohanan nga ba ang nasabing kuwento. Pero ang sigurado, masarap at masustansya ang pagkaing ito.

 


Samahan si Kara David na alamin at tikman ang iba’t ibang putaheng mas pinasarap ng mushroom tulad ng Pancit Canton with Pink Oyster Mushroom, Garlic Tofu Mushroom, Mushroom Tempura at Mushballs.

 

 

Ang paborito nating sinigang at kare-kare bibigyan din ng twist gamit ang mushroom. Nakatikim na ba kayo ng Mushroom Sinigang at Mushroom Kare-kare?

 

 

Ituturo din ni Kara ang kanyang version ng Salisbury Steak.

 

 

Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap! Simula ngayong Martes, mapapanood na ang Pinas Sarap tuwing 5:45PM sa GMA News TV!

English Version

To be fit and healthy is usually the number one new year’s resolution of most of us. The simplest way of achieving this is eating healthy food, such as dishes made from mushrooms. Join Kara David as she learns and tastes different dishes made more delicious by mushrooms.