Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang uri ng pancit, matitikman!


Pancit episode
Airing: January 12, 2021


Isa ang pancit sa putaheng maraming uri at klase. Sa kahit anong okasyon, madalas ay ay may pancit na nakahain.

Ituturo ni Kara David ang kanyang version ng Pancit Canton at Misua.

 

 

Samahan din si Kara na bumisita sa iba’t ibang lugar para tikman ang ipinagmamalaki nilang pansit. Sa Malabon City, ibinibida nila ang pansit na ipinangalan din sa kanilang lungsod, ang Pancit Malabon.

 

 

Umaapaw naman sa sahog at mayroon pang itlog na toppings ang Pancit Batil Patung ng Tuguegarrao, Cagayan.

 

 

Sa Cavite, dalawang pansit ang ating titikman. Ang Pancit Henoy na paboritong pansit daw ni Heneral Emilio Aguinaldo at ang Pancit Pusit!

 

 

Tutok na sa sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Martes 10:00 PM sa GMA News TV!

English

Pancit is one of the most popular dishes in the country. Every occasion and celebration will at least serve one pancit dish. Join Kara David as she cooks her own version of Pancit Canton and Misua. Catch Pinas Sarap this Tuesday, 10 PM on GMA News TV.