Tradisyunal na paggawa ng hamon, silipin!
#PSHamon
December 22, 2020
Tatlong araw na lang, Pasko na! May isang espesyal na handang hindi nawawala sa Noche Buena --- ang hamon. Ngayong Martes samahan si Kara David na alamin ang kwento kung bakit ito itinuturing na star ng Noche Buena.
Bibisitahin ni Kara ang isang ham factory sa Pasig kung saan tradisyunal pa rin ang paggawa nila ng hamon. Iniimbak nila ang isang buong pigue ng baboy ng tatlo hanggang anim na buwan sa mga bariles na puno ng pampalasa.
Alam niyo ba na bukod sa baboy, may iba pang karne na pwedeng gawing hamon? Sa Balagtas, Bulacan, matitikman ang hamon na gawa sa karneho o rabbit meat! Sa Victoria, Laguna itik na hamon naman ang ibinibida.
Kung marami naman kayong hamon na natira, huwag mag-alala at hindi ito masasayang dahil may mga leftover ham recipe na ituturo namin sa inyo.
Para sa panghimagas, ham ice cream, anyone?
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Martes 9:15PM sa GMA News TV!
English Version
Christmas ham has become a staple of holiday meals. It has a variety of kinds. Join Kara David as she discovers how to traditionally cure and age a ham. Catch Pinas Sarap every Tuesday, 9:15PM on GMA News TV!