'Pinas Sarap,' may bagong food adventure sa Baguio!
TIKMAN ANG MGA PUTAHENG GAWA SA ETAG AT KINIING NA MGA URI NG TRADITIONAL PRESERVED MEAT AT ANG TAMIS NG INANDILA, ANG RICE CAKE NG MGA TAGA-CORDILLERA SA BAGUIO FOOD TRIP NGAYONG MARTES SA PINAS SARAP, NOVEMBER 24 SA GMA NEWS TV!
AIRING DATE: November 24, 2020
Tuwing Pasko, isa sa mga paboritong pasyalan ay ang Baguio City. Sa pagluwag ng community quarantine, muling binuksan ang lungsod sa mga turista mula sa ilang probinsiya ng Luzon, kasama na rin ang Metro Manila. Pero alam niyo bang hindi lang malamig na klima ang sinasadya rito, pati na rin ang masasarap na pagkain?
Samahan si Kara David na tikman ang mga putaheng pinasarap ng etag at kiniing na mga traditional preserved meat ng taga-Cordillera. Ilan sa mga putaheng lalantakan natin ay ang Etag with Black Beans, Etag Lechon Kawali, at Pancit Kiniing.
Para naman sa mga Kapuso nating naniniwalang ‘Gulay is Life,’ siguradong mag-e-enjoy sila sa mga putaheng ang sangkap ay mga sariwang gulay. Malapit lang kasi ang Baguio sa La Trinidad Vegetable Trading Post na pinakamalaking bagsakan ng gulay sa Cordillera.
Hindi rin natin palalamapasin ang ipinagmamalaki nilang Chopsuey, Kiniing with String Beans, at Pork Belly with Broccoli and Cauliflower!
Siyempre hindi mawawala ang panghimagas. Titikman natin ang Inandila na traditional rice cake dessert ng mga taga-Cordillera.
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap sa bago nitong time slot tuwing Martes, 9:15PM sa GMA News TV!
English Version
This Tuesday in Pinas Sarap, our next food stop will be Baguio City. We will feast on Cordilleran dishes made yummier by etag and kiniing, their own traditional preserved meats. To balance your diet, we will also delight you with vegetable dishes. For the desserts, we will have Inandila, a tongue-shaped rice cake which is a native delicacy in Cordillera.
Catch Pinas Sarap, this Tuesday, 9:15PM on GMA News TV!