'Pinas Sarap,' nag-food trip sa Marikina!
NEW EPISODE! EVERLASTING, WAKNATOY AT IBA PANG SIGNATURE DISH NG MARIKINA SA PINAS SARAP NGAYONG MARTES, 9:15PM, SA GMA NEWS TV!
Airing Date: November 10, 2020
Tara na sa mga bagong food adventure ng Pinas Sarap! First stop --- Marikina!
Bukod sa bansag dito na Shoe Capital of the Philippines, kilala rin bilang bike-friendly city ang lungsod na ito.
Sa bike tour ni Kara David, ililibot niya tayo sa ilang sikat na landmark sa Marikina gaya ng Shoe Museum. Pupuntahan niya rin ang mga sikat na kainan sa lungsod para tikman ang ipinagmamalaki nilang putahe.
Sa Mama Ting’s restaurant, lalantakan natin ang dalawang putaheng tatak Marikina, ang Everlasting at Waknatoy!
Ngayong new normal, bibida rin ang mga putaheng pwedeng orderin online for delivery sa bagong segment na Deliver Eat. Itatampok dito ang mga food business na may delivery service para matikman ang mga nakatatakam na putahe nang hindi lumalabas ng inyong bahay.
Aalamin din natin kung paano nga ba ginagawa ang sikat na Putong Pulo ng Marikina.
Ang mga Chinese dish naman gaya ng Pata Tim ang titikman natin sa Luyong restaurant.
Sa Kasarap, magluluto si Kara ng sarili niyang version ng Everlasting.
Huwag palalagpasin ang pagbabalik ng pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap sa bago nitong time slot ngayong Martes, 9:15PM sa GMA News TV!
ENGLISH VERSION
Pinas Sarap offers new food experiences that will give you historical and culinary adventure of all the best foods in Marikina. Join Kara David as she goes biking to this bike-friendly city to sample dishes along Lilac street. She also learns how to cook the city’s signature dishes, Everlasting and Waknatoy. Don’t miss the new episode of Pinas Sarap, this Tuesday, 9:15 PM on GMA News TV.