Iba't ibang putahe na mas pinasarap ng mais, alamin!
#PSMais
March 12, 2020
Madalas ka bang masabihang ‘corny?’ Ok lang ‘yan dahil masarap maging corny, lalo na sa pagkain!
Ngayong Huwebes sa Pinas Sarap, dadayuhin ni Kara David ang bayan ng Sto. Tomas sa Pangasinan kung saan nasungkit ang Guinness World Record para sa ‘longest corn grill’ noong 2008.
Titikman natin ang iba’t ibang pagkaing pinasarap ng mais gaya ng pork adobo with mais, veggie embutido con mais at ang pangasinan express!
Tuwing merienda, enjoy kainin ang nilagang mais o ‘di kaya’y inihaw na mais lalo na kung may margarine at konting asin!
Patok naman sa mga bata ang ginataang mais at ang binatog pagkatapos mag-siesta. Pero alam niyo ba na ang binatog, nag-level up na? Ginawa kasi itong side dish sa mga sosyal na pagkain gaya ng mini scotch egg, baby back ribs, t-bone bulgogi, at salmon wings teriyaki.
Ngayong nalalapit na ang summer, masarap namang pampalamig ang mais con yelo with ceral milk gelato at ice scramble with corn.
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap tuwing Huwebes, 7:15PM sa GMA News TV!
English Version
Known as the golden grain, corn is one of the most consumed grains in the world. This Thursday in Pinas Sarap,host Kara David will taste different savory dishes made from corn, as well as cool corn desserts. Watch the yummiest food program in television, Pinas Sarap, this Thursday, 7:15PM in GMA News TV!