Mga ipinagmamalaking delicacy ng Bohol, alamin!
#PSBoholDelicacies
February 13, 2020
Tikman ang iba pang ipinagmamalaking putahe ng Bohol ngayong Huwebes sa Pinas Sarap!
Bohol ang topmost producer ng ube sa buong Pilipinas. At kapag mga luto ng ube ang usapan, hindi mawawala ang mga variety ng minatamis gaya ng ube halaya o di kaya’y binignit o ang Bol-anon version ng ginataang halo-halo.
Sa ibang kainan naman sa Bohol, ini-level up ang sarap ng ube! Ilan sa paandar nilang ube dishes ang Purple Yam Chicken Breast, Silky Creamy Yam Seafood Soup at Ube Kinampay Pasta Carbonara.
Subukan rin ang torta at kinatloan, mga tinapay na madalas lang ihain noon sa mga fiesta, na ngayo’y paboritong pasalubong item na.
At kakagat kaya ang host na si Kara David sa hamong kumain ng isang exotic delicacy sa Bohol?
Tutukan ang mga katakam-takam na Bohol Delicacies sa PINAS SARAP, Huwebes, 7:15PM sa GMA News TV!
English Version
Catch more exciting on the second part of our Bohol food adventure here in Pinas Sarap.
Bohol is the topmost producer of ube or purple yam in the Philippines. And speaking of ube, most of us crave for popular ube treats like ube halaya (Jam) or Binignit, a Boholano’s version of “ginataang halo-halo”.
Some restaurants boast of their ube-fused dishes like the Purple Yam Chicken Breast, Silky Creamy Yam Seafood Soup and Ube Kinampay Pasta Carbonara!
Try Bohol’s pastries like Torta and Kinatloan that were usually served during fiestas but are now being purchased as “pasalubong.”
And witness host Kara David as she takes the challenge of tasting an exotic delicacy in Bohol.
Watch Bohol’s Delicacies on PINAS SARAP on Thursday, 7:15PM on GMA News TV.