Iba't ibang flavor ng siopao, ihahain sa 'Pinas Sarap'
#PSSiopao
January 23, 2020
Sa pagdiriwang ng Chinese New Year, alamin natin ang kuwento sa likod ng isa sa mga paborito nating pagkaing ipinamana ng mga Tsino, ang siopao! Titikman din natin ang iba’t ibang bersyon nito.
Pork Asado at Bola-bola ang sikat na palaman ng siopao. Pero alam niyo ba na may ibang filling na rin ang mga siopao ngayon? Gaya ng mga uragon siopao na ang palaman, mga sikat na bicol dish tulad ng bicol express, laing, at dinuguan sa gata.
Ang ibang bersyon naman ng siopao, hamburger patty, goto o kaya naman ay seafood paella ang palaman. Pero para sa mga hindi kumakain ng karne, para sa inyo ang vegetarian siopao.
At kung nauumay na kayo, may siopao din na pwedeng panghimagas, ang strawberry siopao at halo-halo siopao.
Mukhang mapapalaban naman si Kara sa pagkain ng fried siopao at giant siopao na halos tatlong kilo ang bigat kada isa.
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap tuwing Huwebes, 7:15PM sa GMA News TV!
ENGLISH
This Chinese New Year celebration, we will find out the story behind one of the most favorite Chinese food of Filipinos, the pork bun or ‘siopao.’ We will feast on the different versions of siopao like the siopao burger, siopao paella, siopao goto, siopao dinuguan, siopao bicol express and the dessert paos, the strawberry siopao and halo-halo siopao.
Tune in and watch the yummiest food program in television, Pinas Sarap this Thursday, 7:15PM in GMA News TV!