Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga putaheng mas pinasarap ng tsaa, alamin!


#PSTEArrific
January 16, 2020

Iba’t ibang milk tea shops ang nagsulputan ngayon dahil na rin sa milk tea craze sa Pilipinas. Sa katunayan, nagkalat ang mga milk tea memes sa social media. Pero bakit nga ba pumatok sa mga Pilipino ang milk tea?



Ang milk tea, gawa sa Pinaghalong sarap ng tsaa at gatas na pwede pang dagdagan ng ibang sangkap gaya ng pearls at jelly. Pero bago pa magkaroon ng milktea, umiinom na ng tsaa ang ilang mga Pinoy gaya ng salabat na gawa sa luya o kaya naman ay turmeric. May tsaa rin na gawa sa tanglad at pandan. Nakapagbibigay ng ginhawa sa pakiramdam at maraming benepisyo sa kalusugan ang pag inom ng tsaa.



Pero alam niyo ba na ang tsaa hindi lang masarap inumin, nagpapasarap din ng mga lutuin? Ilan sa mga putaheng pinasarap ng tsaa na ating titikman ay ang baked rubbed bangus with turmeric, ginataang baboy sa pandan, chicken tanglad, stir fried chicken in black tea, matcha shrimp curry, at green tea lomi.



Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap tuwing Huwebes, 7:15PM sa GMA News TV!

English Version

Next to water, tea is the second most consumed drinks in the world. But do you know that teas can also be used to make your dishes more delicious? Some of the tea dishes we will taste are chicken with lemongrass, green tea noodles and matcha shrimp curry. We will also find out how big is the milk tea craze in the Philippines.

Tags: food, tsaa, pinassarap