Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagkaing ipinagmamalaki sa Bataan, ibibida sa 'Pinas Sarap'


#PSBataanFoodtrip
November 07, 2019

Ang next foodtrip natin, pupunta tayo sa lalawigang hindi lang mayaman ang kasaysayan, sagana rin sa biyaya ng kalikasan na ginagamit nilang sangkap sa mga lutuin. Samahan si Kara David bumisita sa probinsiya ng Bataan.

Dahil sa matabang lupain ng Bataan, iba’t ibang halaman at mga gulay ang tumutubo rito, kaya naman pinakbet ang isa sa madalas nilang iluto.



Ipatitikim naman ni Kara ang version niya ng bulanglang gamit ang mga gulay ng Bataan.

Ang dahon naman ng binukaw, ginagamit din ng mga taga-Bataan na pampaasim sa sinigang.



Kilala naman ang bayan ng Bagac sa cashew nuts o buto ng kasoy. Ang Bagac ang may pinakamalaking produksyon ng kasoy sa Bataan kaya hindi na nakapagtatakang gawa sa kasoy ang ilan sa masasarap nilang pagkain gaya ng cashew butter, cashew lengua de gato at cashew empanadita.



Kapag bumisita ka sa Bataan, hindi raw dapat palagpasin ang ipinagmamalaki nilang putaheng tila pinaghalong caldereta at kare-kare, ang kinuba.



Tutok na ngayong Huwebes sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, sa bago nitong timeslot na 7:15PM, sa GMA News TV!

ENGLISH VERSION

Kara David will visit the province of Bataan to savour their delicious local dishes like pinakbet in Bagac, Sinigang in binukaw and Kinuba. In Kasarap, Kara will cook her version of Bulanglang using vegetables from Bataan.

Bataan is also known for cashew nuts. The town of Bagac which has the largest cashew production in the province, and is proud of its delicious foods made from cashew such as cashew butter, cashew lengua de gato and cashew empanadita.

Tune in and watch the yummiest program in television, Pinas Sarap, this Thursday, 7:15PM in GMA News TV!