Mga putaheng mas pinasarap ng kalabasa, alamin!
#PSKalabaSarap
October 31, 2019
Tuwing halloween, madalas makita ang mga jack-o-lantern, o mga nakatatakot na imaheng nakaukit sa pumpkin! Pero ‘wag kayong mag-alala mga Kapuso, dahil ngayong undas hindi namin kayo tatakutin! Sa halip, hahainan pa namin kayo ng masasarap na pagkain, mga putaheng pinasarap ng kalabasa!
Sa isang squash farm sa Angat Bulacan, tutulong si Kara David sa pag-ani ng kalabasa. Ang ilan sa mga naaning kalabasa, kanilang iniluto at ginawang Pinakbet. Bidang sangkap din ang kalabasa sa Ginataang igat sa Kalabasa, at Squash Rendang. Ipatitikim naman ni Kara ang version niya ng ginataang sitaw at kalabasa sa KAsaRAp.
Trick or treat! Ito ang madalas sabihin ng mga bata tuwing Halloween! Pero walang anumang trick sa ipatitikim naming treats na siguradong papatok pati mga bata gaya ng squash siomai, squash nuggets at squash lasagna. Pati ang mga dessert na pinasarap ng kalabasa, tiyak na magugustuhan ng mga bata gaya ng squash cheesecake, squash roll, squash pie, squash seed pastry cream at granola with squash seeds!
Patutunayan namin na ang kalabasa, hindi lang pang Halloween kundi buong taon pwedeng bumida sa mga hapag natin. Kaya tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Huwebes, 7:15PM sa GMA News TV!
English version
One of the most famous symbolisms of Halloween is the Jack-o-lantern made from pumpkins. In the Philippines, we have squash or kalabasa that belongs to the gourd family like the pumpkin. This Halloween, we will not scare you with jack-o-lanterns but instead will treat you with dishes made from squash.
Some of the dishes that we will cook for you are Pinakbet o mixed vegetable with anchovies, Ginataang Igat with Kalabasa or squash and eel with coconut milk, Squash rendang, green beans and squash with coconut milk or Ginataang sitaw with Squash, squash siomai, squash nuggets and squash lasagna. Kids will surely enjoy these Halloween sweet treats,like squash cheesecake, squash roll, squash pie, squash seed pastry cream and granola with squash seeds!
Tune in to your television and watch Pinas Sarap this Thursday, 7:15PM in GMA News TV!