Mga sikat na pagkain sa Madrid, ihahain sa 'Pinas Sarap!'
#PSSpainSpecial
PINAS SARAP 2nd ANNIVERSARY SPECIAL Part 5
October 17, 2019
Huling hirit na ng Pinasarap Spain food adventure ngayong Huwebes. Pero sa part 5 ng ating food trip sa Espanya, siguradong hindi kayo mabibitin.
Kapag bumisita kayo sa tindahang ito, siguradong matatakam kayo sa mga primera klaseng hamon na mabibili rito gaya ng Jamon Iberico na umaabot ng hanggang 12,000 pesos ang kada kilo. Kaya naman ang isang buong pata ng hamon, pwedeng magkahalaga ng 60,000 to 80,000 pesos depende sa laki at sa klase.
Sa isang restaurant naman sa Madrid, hihigop si Kara ng mainit na sabaw na pinasarap ng iba’t ibang karneng dahan-dahang pinalambot, ang Cocido Madrileno.
Lalantakan din natin ang iba’t ibang klase ng Ceviche, ang Spanish version ng kinilaw.
Huwag palalagpasin ang Part 5 ng 2nd Anniversary Spain Special ng Pinas Sarap, ngayong Huwebes, 7:15PM sa GMA News TV!
English version
On the 5TH part of Pinas Sarap’s 2nd Anniversary Spain Special, we will visit the Museo del Jamon where you can buy different kinds of Ham. One of the most expensive hams is Jamon Iberico. Its price is around 12,000 pesos per kilo.
Kara will also try Cocido Madrileno, a famous soup in Madrid made from different kind of meats. We will also excite your palate with different kinds of Ceviche, the Spanish version of Filipino’s Kinilaw na isda.
Tune in to your television and watch part 5 of the 2nd Anniversary Spain Special of Pinas Sarap this Thursday, 7:15PM in GMA News TV!