Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga heritage food ng Bulacan, ihahain sa 'Pinas Sarap'


#PSBulacanHeritageFood
July 18, 2019

Ngayong Huwebes, samahan si Kara David bumisita sa lalawigang may mayamang kasaysayan na mababakas hindi lang sa mga natatanging lugar, kundi pati na rin sa mga masasarap nilang pagkain. Handa na ba kayong tikman ang mga Bulacan Heritage dish?



Isa sa mga heritage site sa Bulacan ang Bautista House. Dito ginawa nina Dr. Jose Rizal ang pagpupulong para itatag ang La Liga Filipina. Pero bukod sa lumang bahay na ito, pinepreserba din ng Pamilya Bautista ang ilan sa kanilang heritage dish, gaya ng Hamonadong sugpo at Lapu-lapu dela Reina na niluluto noon pang panahon ng mga Kastila.



Bukod sa ulam, matitikman din sa Bulacan ang ilang pamanang recipe ng pansit, gaya ng Pancit Alanganin, Pancit Marilao at Pancit Papaya! And for desserts, titikman naman natin ang mga matatamis na paborito ng mga Bulakenyo noon pa man, ang Yema at pastillas de leche!



Babalikan natin ang nakaraan sa pagkain ng mga heritage dish ng Bulacan sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Huwebes sa bago nitong timeslot na 7:15 PM, sa GMA News TV!

ENGLISH VERSION

This Thursday, join Kara David as she visit the town with rich history, that is seen not only in the structure of their houses, it also reflects in their dishes. Are you ready to try out different Bulacan heritage Dishes?

One of the Heritage sites in Bulacan is Bautista House. This is where Dr. Jose Rizal organized several meetings when he founded La Liga Filipina. But aside from this, Bautista Family was able to preserve some of their heritage dishes, like prawn marinated in sweet sauce and Lapu-lapu dela Reina that is already cooked during the time of the Spanish era.

Aside from dishes, there are also heirloom noodle recipes like Pancit Alanganin, Pancit Marilao and Pancit Papaya! For the desserts, they also have specialties like Yema and pastillas de leche.

Let us go back to the past as we savour the heritage dishes of Bulacan, in the yummiest food program on television, Pinas Sarap! This Thursday, 7:15 PM on GMA News TV!