Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pinas Sarap

Mas pinalinamnam at pinasustansyang school canteen meals, alamin


#PSSchoolCanteen
July 11, 2019

Naaalala niyo pa ba kung ano ang favorite snacks niyo tuwing recess? Anong pagkain ang binabalik-balikan niyo sa school canteen? Sa pakikiisa sa selebrasyon ng nutrition month ngayong Hulyo, samahan ang Pinas Sarap alamin kung gaano nga ba kasustansiya ang mga inihahaing pagkain sa School canteens.



Nakasanayan na ng maraming mag-aaral na mga chichirya at iba pang junk foods ang kinakain tuwing recess. Pero noong 2017, inilabas ng Department of Education ang Department Order no. 13 o DO-13 na nagbabawal ng pagbebenta ng mga processed food, softdrinks, deep fry dishes at masyadong matatamis o maaalat na pagkain. Bibisitahin ni Kara David ang number one compliant public school sa Quezon City at titikman ang mga pagkain sa kanilang school canteen.



Pero marami pa ring school canteen ang hindi nakasusunod sa DO-13. Dito ipatitikim ni Kara sa mga estudyante ang healthy snacks gaya ng choco chip veggie cookies at tofu cheeseballs. Magustuhan kaya nila ang mga snack na ito na hinaluan ng gulay? At sa tulong ng ilang chef at nutritionist, isang school canteen menu makeover ang gagawin.



Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Huwebes sa bago nitong time slot na 7:15 PM, sa GMA News TV!

ENGLISH VERSION

Do you still remember what your favorite snacks when you were a student? What food do you always buy in your school canteen? In celebration of the Nutrition month this July, join Pinas Sarap in finding out how nutritious are the foods served in school canteens?

Students are used to eating Chips and junk foods during recess. But in 2017, Department of Education released Department Order no. 13 or DO-13, that prohibits the selling of processed food, soft drinks, deep fried dishes and too sweet or too salty foods in school canteens. Kara David will visit the number one most compliant Public school in Quezon City and she will try out the foods that they serve.

However, there are still several school canteens that are not compliant of DO-13. Kara will ask the students to try out healthy foods like chocolate chip veggie cookies and tofu cheese balls. Will the kids like the healthy snacks? And with the help of some chefs and nutritionist, we will organize a school menu makeover.

Please watch the yummiest food program on television, Pinas Sarap, this Thursday, in its new time slot, 7:15 PM, on GMA News TV!