Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagkaing ipinagmamalaki ng Tarlac, ihahain sa 'Pinas Sarap'


#PSTasteOfTarlac1
June 20, 2019

Ngayong Huwebes, samahan si Kara David na dayuhin ang probinsiya kung saan nagsama-sama ang sarap ng lutuin ng iba’t ibang lugar, ang tinaguriang ‘melting pot of the north’ --- ang Tarlac!



Dahil malapit sa Ilocandia, pati na rin sa Pampanga, marami sa mga pagkaing Tarlaqueño ang may impluweniya ng lutuing Ilocano at Kapampangan. Isa sa mga ipinagmamalaki nilang putahe ang Chicharon Camiling na nahahawig sa Bagnet ng Ilocos. Ang Inutuken naman na masarap na ulam at pulutan, tila pinagsanib na sarap ng sisig ng Pampanga at dinakdakan ng Ilocos. Lalantakan din natin ang iba pa nilang lutuin gaya ng papaitang baka, bagis kambing, lechon manok tupig, at adobong tarlac.



Sa kauna-unahang pagkakataon, ipakikita rin ni Kara ang husay niya sa pagluluto sa pinakabagong tampok ng Pinas Sarap, ang KAsaRAp! kung saan ang una niyang ipatitikim… ang version niya ng pinakbet with chicharon camiling!

Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes, 10:15 PM  sa GMA News TV!

English Version

Going up north, we only treat Tarlac as a stopover. But with its rich cuisine influenced by nearby provinces of Ilocos and Pampanga, Pinas Sarap will prove that Tarlac is the place to be.

Satisfy your taste buds with Chicharon Camiling which is similar to Ilocos’ Bagnet. Inutuken is also something to crave for—a fusion of Pampanga’s Sisig and Ilocos’ Dinakdakan. For more local vibes, you can also indulge to Papaitang Baka, Bagis Kambing, Lechon Manok Tupig, and Adobong Tarlac.

The program also launches a new segment called KAsaRAp, where Kara David cooks delectable recipes like Pinakbet with Chicharon Camiling.

Let’s have a taste of the “Melting Pot of the North” on Pinas Sarap this Thursday, June 20, 10:15pm on GMA News TV.