Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagkaing pampainit sa tag-ulan, ihahain sa 'Pinas Sarap'


#PSPagkaingPampainit
June 13, 2019

Tuwing umuulan, mas lalo tayong ginaganahang kumain lalo na ng mga pagkaing nakapagpapainit sa katawan. Ngayong Huwebes, samahan si Kara David na alamin at tikman ang mga lutuing hindi lang masarap, mainit pa sa tiyan, gaya na lang ng sabaw!



Titikman natin ang ipinagmamalaking soup dish ng ilang bayan at probinsiya sa Pilipinas gaya ng Almondigas ng Cavite, Balbacua ng General Santos City, Sinanglaw ng Ilocos, fiesta noodles ng San Juan City, at ang seafood Binakol.



Pero bukod sa sabaw, may iba pang pagkaing nakapagbibigay ng init sa katawan, ang mga putaheng maaanghang! Ilan sa mga pagkaing pinasarap ng sili na ating lalantakan ay ang Kandingga, na bopis version ng mga Bicolano at ang Pastil ng GenSan. Masarap ding mag-bonding tuwing umuulan kasama ang kaibigan, lalo na kung may pampainit na inumin na sinabayan pa ng masarap na pagkain. Ilan sa masarap na pulutan na ating titikman ay ang kinilaw na talaba at sizzling crunchy sisig.

Kung kayo’y nilalamig at gustong mabusog at magpainit, tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes, 10:15 PM  sa GMA News TV!

ENGLISH VERSION

This cold, rainy season calls for what we, Filipinos are known for—hot soups!

Kara David introduces you to Almondigas of Cavite, Balbacua of General Santos City, Sinanglaw of Ilocos, fiesta noodles of San Juan City, and seafood Binakol.

It is also the perfect season for spicy food like Bicol’s version of bopis called Kandingga and Gensan’s Pastil. To satisfy your cravings for the best pulutan in town, try Kinilaw na Talaba and Sizzling Crunchy Sisig!

Pinas Sarap airs this Thursday, June 13, 10:15pm on GMA News TV.