Iba’t ibang bagoong dishes, ihahain sa ‘Pinas Sarap’
#PSBagoong
April 25, 2019
Kombinasyong sarap ng tamis at alat na mas pinalinamnam pa ng konting anghang ang lalantakan natin ngayong Huwebes sa Pinas Sarap. Siguradong kikilitiin ang ating panlasa ng mga putaheng pinasarap ng bagoong!
Gawa man sa alamang o sa isda, madalas ipares sa hilaw na mangga ang bagoong. Pero alam niyo bang kaya rin nitong pasarapin ang mga lutuin? Ilan sa mga putaheng pinasarap ng bagoong alamang na ating titikman ay ang pork binagoongan, honey glazed bagoong chicken wings, bagoong rice at salad with bagoong dressing.
Bagoong isda naman ang ginagamit na pampalasa sa ilang sikat na putahe ng mga Ilocano. Bukod sa pinakbet at dinengdeng, isa pang vegetable dish nila na pinasarap ng bagoong isda ang buridibod. At kung kakaibang pansit naman ang gusto niyong matikman, dapat din daw subukan ang kanilang pancit lusay na imbes na toyo, bagoong isda ang ginamit na pampapalasa.
Mga natatanging Bagoong dish ang matitikman sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes, 10:15pm sa GMA News TV Channel 11!
ENGLISH
The combining taste of sweet and salty that is made even better with a little spice of chili is what we are going to savour this Thursday in Pinas Sarap. Various dishes with bagoong or anchovies will surely tickle your tastebuds.
Bagoong is made with either shrimp or fish, and both are best partnered with green mango. But do you know that this is also added to various dishes to make it more flavorful? Some of the dishes are pork binagoongan, honey glaze bagoong chicken wings, bagoong rice and salad with bagoong dressing.
Fish anchovy is used as flavouring in some popular Ilocano dishes. Aside from pinakbet and dinengdeng, another vegetable Ilocano dish with bagoong is called buridibod. And if you want to try out a unique noodle recipe, taste their pancit lusay, instead of soy sauce, they use bagoong for flavour.
This Thursday, we will try out special bagoong dishes in the yummiest food program in television, Pinas Sarap, 10:15pm on GMA News TV, Channel 11!