Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pinas Sarap

Mga ipinagmamalaking kakanin ng Pangasinan, ihahain sa 'Pinas Sarap'


#PSPangasinanKakanin
March 28, 2019

Ngayong mainit ang panahon, masarap magtampisaw sa tubig at isa sa mga probinsyang dinarayo dahil sa mga naggagandahang white beaches, ang Pangasinan! Pero bukod sa kanilang nakare-relax na karagatan, panghatak din sa mga turista ang nagsasarapan nilang mga kakanin.

 

 

Binungey, Puto Calasiao at Tupig! Ito ang mga kakaning agad papasok sa isipan kapag binanggit ang lalawigan ng Pangasinan. Trademark kakanin ng bayan ng Bolinao ang Binungey. Gawa ito sa bigas na malagkit at gata ng niyog na niluto sa kawayan. Ang Puto Calasiao naman sa pangalan pa lang, alam mo nang ito ang kakaning ibinibida ng bayan ng Calasiao. Nasa paghahanda raw ang sikreto sa sarap ng puto calasiao. Binuburo muna kasi ang malagkit na kanin ng ilang oras bago ito iluto. Gawa naman sa murang niyog at malagkit na bigas ang Tupig na ipinagmamalaking kakanin ng bayan ng Mangatarem.

 

 

Dahil sadyang malikhain sa pagluluto ang mga Pangasinense, ginawan nila ng iba’t ibang twist ang mga kakaning ito, gaya ng flavored binungey at flavored tupig. Ang puto calasiao naman ginawang burger at puto balls.

 

 

Para malaman ang pinakamasarap na kakaning ipapasalubong matapos lumangoy at magtampisaw sa mga dagat ng Pangasinan, tumutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Huwebes 10:15 PM sa GMA News TV Channel 11!

English version:

In the summer heat, it is best to go to the beach, and one of the provinces with beautiful beaches is Pangasinan. But aside from their relaxing beaches, the tourists also enjoy their rice cakes.

Binungey, Puto Calasiao and Tupig! These are the popular rice cakes in Pangasinan. Trademark rice cake in the town of Bolinao is binungey. This is made from sticky rice and coconut milk cooked in bamboo. The Puto or rice cake of Calasiao is their banner delicacy. The secret of their yummy rice cake is in the preparation. They ferment the sticky rice for hours before cooking. While the pride of Mangatarem which is Tupig is made from young coconut meat and sticky rice.

Pangasinenses are creative when it comes to cooking, they created a twist to some rice cakes, like flavoured binungey, and flavoured tupig. The Puto or the rice cake of Calasiao is prepared as burger and puto balls.

In order to learn the yummiest rice cakes of Pangasinan, you have to watch the yummiest food program on television, Pinas Sarap, Thursday, 10:15pm on GMA News TV, channel 11!