Gatas ng kalabaw dishes, ihahain sa 'Pinas Sarap'
#PSGatasNgKalabaw
March 7, 2019
Ang gatas ng kalabaw hindi lang masarap inumin, nagbibigay din ng linamnam sa pagkain. Ngayong Huwebes samahan si Kara David pumunta sa Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan para tikman ang mga ipinagmamalaki nilang putaheng pinasarap ng gatas ng kalabaw.
Kumpara sa ibang gatas, mas masarap, mas makrema at mas masustansiya ang gatas ng kalabaw. Pero bukod sa masarap inumin, masarap din daw itong isabaw sa mainit na kanin. Pagbabahog ang tawag dito. Ang makremang lasa ng carabao’s milk, suwabe daw na pangontra sa alat ng tuyo o daing sa almusal.
Sa Nueva Ecija, ginagamit rin nilang sangkap sa pagluluto ang carabao’s milk. Ilan sa mga putaheng ibinibida nila na may gatas ng kalabaw ang macaroni soup, carabeef in mushroom sauce at roasted chicken. Hindi naman magpapahuli ang mga Kapampangan. Pinasarap naman ng carabao’s milk ang kanilang pocherong dalag at ang popular nilang matamis na ‘tibok-tibok.’ Seafoods naman ang pinasarap ng gatas ng kalabaw sa Bulacan.
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, at siguradong mapapa-wow! kayo sa gatas ng kalabaw, ngayong Huwebes 10:15 PM sa GMA News TV Channel 11!
English version:
A carabao’s milk in not only a yummy drink, it also gives flavour to various foods. This Thursday, join Kara David as she travel to Nueva Ecija, Pampanga and Bulacan to try out the popular product carabao’s milk.
Compared to other milk, carabao’s milk is more creamy. It is not only consumed as drink, it’s also best eaten when mixed with hot rice. The creamy taste of carabao’s milk is a good contrast to the salty taste of dried fish.
In Nueva Ecija, carabao’s milk is mixed with various dishes. Some of the dishes are macaroni soup, carabeef in mushroom sauce, and roasted chicken. While the Kapampangan’s also has their version of dishes with carabao’s milk, like mudfish pochero, and their popular dessert called “tibok-tibok”. While, Seafoods with carabao’s milk is served Bulacan.
Please watch the yummiest food program on Television, Pinas Sarap, Thursday, 10:15 PM, on GMA News TV, channel 11!