Healthy at mas pinasarap na malunggay dishes, ihahain sa 'Pinas Sarap'
#PSMalunggay
February 28, 2019
Isa ang malunggay sa mga halamang karaniwang tumutubo sa ating mga bakuran. Sa dami ng sustansiyang hatid nito sa mga lutuin, hindi na nakapagtataka kung isama ang malunggay sa mga itinuturing na superfood! Ngayong Huwebes sa Pinas Sarap, titikman natin ang mga putaheng pinasarap at pinasustansiya ng malunggay.
Bahagi na ng kulinaryang Pilipino ang malunggay. Madalas na sahog ang dahon ng malunggay sa ulam gaya ng tinolang manok, suam na mais at ginisang munggo. Pati ang pandesal, nilalagyan na rin ng malunggay para mas sumustansiya. Maging ang ilang Italian dish, nilagyan na rin ng malunggay twist ng mga Pilipino, gaya ng malunggay pesto at malunggay ravioli.
Bukod sa dahon ng malunggay, alam niyo bang pati ang bunga, buto at bulaklak nito ay pwedeng iluto? Ang murang agud o bunga ng malunggay, masarap isahog sa ginisang sardinas at dinengdeng habang ang buto naman ng malunggay inilalahok sa ginataang tulingan. Dagdag na aroma at texture naman ang dulot ng bulaklak ng malunggay sa salad.
Maniniwala ba kayong pati ang mga nagtatamisang dessert, nilalagyan na rin ng malunggay? Nakatikim na ba kayo ng Malunggay polvoron, malunggay cookies, malunggay muffins at malunggay ice cream?
Delicious and Healthy malunggay treats ang pagsasaluhan natin sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, ngayong Huwebes 10:15 PM sa GMA News TV Channel 11!
ENGLISH
Moringga is one of the plants that are commonly seen in our back yard. Because of the many nutrients it brings, moringga is considered as superfood. This Thursday in Pinas Sarap, we will try out yummy dishes enhanced by moringga.
Moringga is part of Filipino culinary. This is usually mixed in chicken tinola, corn soup, and sautéed legumes. Moringga is also added to pandesal bread to make it more nutritious. Some people even gave twist to some Italian dishes, by adding moringga, like moringga pesto and moringga ravioli.
Aside from its leaves, do you know that even the fruit, seed and flower of moringga can be eaten? The young fruit is best mixed in sautéed sardines and dinengdeng, while the seed is mixed in mackerel in coconut milk dish, while, the moringga flower adds aroma and texture to moringga salad.
Would you believe that moringga is also mixed with some desserts? Have you tried moringga polvoron, moringga cookies, moringga muffins and moringga ice cream?
Delicious and Healthy moringa treats will be served in the yummiest food program on television, Pinas Sarap, Thursday, 10:15pm on GMA News TV, channel 11!