Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang pinagmulan ng tocino, aalamin sa 'Pinas Sarap'


#PSTocino
January 24, 2019

Isa sa paboritong almusal nating mga Pilipino ang malambot at matamis na karneng ito – ang tocino! Perfect daw nitong kombinasyon ang sinangag na kanin at pritong itlog. Pero sino, saan at paano nga ba ginagawa ang Tocino? Samahan si Kara David alamin ang mga ‘yan ngayong Huwebes sa Pinas Sarap.



Ang lalawigan ng Pampanga ang tinaguriang Home of Tocino dahil dito naimbento ang putaheng ito. Si Lolita Hizon ng Pampangas Best Tocino ang nagbigay ng pangalan at nagpakilala ng Pinoy version ng Tocino hindi lang sa buong Pilipinas, pati na rin sa buong mundo. Taong 1967 daw  ng bigyan siya ng sobrang karne ng kapitbahay na tinimplahan naman niya ng mga pampalasang meron siya sa kusina.

Bago pa man makilala ang tocino, may putahe ang mga Kapampangan na nahahawig dito. Maaaring ito raw ang pinagkunan ng inspirasyon ng tocino, ang pindang! Gawa sa baboy ang Pindang babi habang gawa naman sa kalabaw ang pindang damulag. Pero maaaring ang pinagmulan daw ng tocino at ng pindang, ang mas matandang putahe na burong babi. Binuburo daw nila ang karne para mapreserba ito at may makain tuwing may bagyo o kalamidad at sa panahong salat sa pagkain. 



Kung mahilig kayo sa tocino pero naghahanap ng kakaiba ang mga panlasa niyo, tikman na ang ibang version nito, gaya ng tocinong kabayo, bangus tocino at tocino mushroom. Meron ding mga tocino dish with international twist, ang tocino burrito at tocino pizza. Pero ang pinakakaibang tocino na pwedeng subukan, ang tocino maple ice cream!



Sweet and savory ang pagsasaluhan natin sa Pinas Sarap, ngayong Huwebes 10:15 PM sa GMA News TV Channel 11!



ENGLISH

One of the favourite Filipino breakfast foods is the soft and sweet meat tocino! This is perfect to combine with fried rice and fried egg. But did you know how tocino is made? Join Kara David as she finds out, this Thursday on Pinas Sarap.

The province of Pampanga is known as the Home of Tocino because this is where it is invented. Lolita Hizon of Pampanga’s Best Tocino gave name and introduced the Filipino version of Tocino not only in the Philippines, but also in the whole world. It was year 1967 when Lolita’s neighbour gave her meat from their excess supply, she experimented by mixing various flavouring in the meat from her kitchen, thus tocino recipe was born.

Even before tocino became popular, there are some dishes in Pampanga that is similar to it. This is believed to the inspiration in the invention of tocino, the dish is called pindang. Pindang babi is made from pork meat, while pindang damulag is made from carabao’s meat. But it is also believed that the origins of tocino and pindang are inspired by the older method called burong babi or fermented pork. They ferment the pork in the old times so they still have food in stock to eat during typhoon or calamity or during times when there is shortage in food supply.

It’s a sweet and savoury feast in Pinas Sarap this Thursday, 10:15pm on GMA News TV Channel 11!