Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga asim-kilig na vinegar recipes, ihahain sa 'Pinas Sarap!'


#PSAsimSarapSuka
January 17, 2019

Parte na ng kulinaryang Pilipino ang paggamit ng suka dahil sa asim kilig na sarap na hatid nito sa ating panlasa. Hindi lang masarap na sawsawan ang suka, nagbibigay din ito ng kakaibang linamnam sa mga lutuin. Saan at paano nga ba ito ginagawa? Yan ang ating sasagutin ngayong Huwebes sa Pinas Sarap!



Sa Pilipinas may iba’t ibang klase ng sukang matitikman. Kung sa anong sangkap kasi mayaman ang isang bayan, kadalasan ‘yun ang ginagawa nilang suka. Sa bayan ng Paombong sa Bulacan, matitikman ang pinakamatapang at pinakamaasim na suka. Gawa ito sa nipa o sasa kaya tinatawag nila itong sukang sasa. Ang asim sarap ng sukang sasa raw ang sikretong sangkap na nagpapasarap sa paksiw na bangus! Ginagamit din nila ang suka para mas mapahaba ang buhay ng pagkain, gaya ng mga tirang lechon noong bagong taon, pwedeng gawing lechon paksiw!



Sa Cavite, gawa naman sa kaong ang kanilang suka. Sukang irok ang tawag nila dito. The best naman daw itong sangkap sa kilawing twakang at pinangat na hasa-hasa dahil ang asim-sarap ng sukang irok, swak na pantanggal ng lansa sa seafoods.

Manamis-namis naman ang Sukang Iloko na gawa sa sugarcane o tubo. Ang tamis asim nito, mas nagpapasarap sa ipinagmamalaki nilang ilocos dishes gaya ng bagnet dinakdakan,  poque-poque at pork igado.



Siguradong mapapa-mukhasim kayo sa sarap sa aming ihahain sa Pinas Sarap, ngayong Huwebes 10:15 PM sa GMA News TV Channel 11!



ENGLISH VERSION

The usage of vinegar has been part of Filipino culinary. Its sour taste is used as sauce and also mixed as flavour to dishes. But do you know where and how vinegar is made? This Thursday, Pinas Sarap will give you the answer.

The Philippines has numerous kinds of vinegar. Whatever is abundant in a place, it is usually use to make vinegar. The town of Paombong in Bulacan is where the sourest vinegar is originated. This is made from the sap of sasa or nipa plant, and it is called sasa vinegar. The sour taste of sasa vinegar is perfect mix for milkfish in vinegar. Vinegar is also used to extend the shelf life of foods, like lechon paksiw from the leftover lechon from the holidays.   

In Cavite, palm plant is use to make vinegar, they call it irok vinegar. This vinegar is best to use in kilawing twakang and mackerel in coconut milk or pinagat. Because of the sour taste of irok vinegar, it is perfect to cleanse the ramish taste of seafoods. 

Sweet and sour is the taste of the vinegar version in Ilocos, they use sugarcane. It adds flavour to ilocos dishes like bagnet dinakdakan, poque-poque and pork igado.

Please watch the yummiest food program on television, Pinas Sarap, Thursday, 10:15pm on GMA News TV channel 11!